P100K consolation prize ng TNT finalist ‘di pa naibigay | Bandera

P100K consolation prize ng TNT finalist ‘di pa naibigay

Reggee Bonoan |August 29,2018
facebook
share this

P100K consolation prize ng TNT finalist ‘di pa naibigay

Reggee Bonoan - August 29, 2018 - 12:40 AM

HABANG sinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa kami binabalikan ng aming kausap na taga-Showtime kung kailan makukuha ni Carl Malone Montecido ang consolation prize niyang P100,000 bilang finalist sa Tawag Ng Tanghalan Season 1.

Si Carl ay hindi nakakakita at wala kaming alam kung ano ang trabaho niya sa kasalukuyan.

Ayon sa PEP Troika ay nakita ng kaibigan nila si Carl na nakatira sa itinayong barung-barong kasama ang ina sa bakod ng kakilala nila.

Sabi ng kausap naing taga-Showtime ay babalikan kami kung magkano ang saktong halaga na makukuha ni Carl at nakipag-ugnayan na rin daw sila kay Carl.

Nabanggit sa balita na kaya hindi pa nakukuha ni Carl ang P100,000 ay dahil may kulang na dokumentong kailangan nitong isumite para makubra ang pera.

Ayon sa taga-Showtime, “Babalikan kita kung magkano ang saktong amount na makukuha, pero nakausap na si Carl. Inaayos na.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending