‘Grand entrance’ ni Kris sa Crazy Rich Asians pinalakpakan, tinilian
NAGKOMENTO si Kris Aquino sa drawing ng illustrator na si Mawee Borromeo.
“@maweeborrs, hi… great illustration, you captured my face & expression perfectly-but sadly, wrong watch. I don’t have that particular model,” ang comment ng Social Media Queen nang makita ang gawa ni Mawee.
Kasama si Kris sa cast ng “Crazy Rich Asians” (Henry Golding, Awkwafina at Nico Santos) na idinrowing ni Mawee at ipinost sa kanyang Instagram na may caption, “Illustrated the cast of @CrazyRichAsians for @LucerneLuxeMagazine (2/3).”
Kopyang-kopya ni Mawee ang mukha ni Kris at pati mga suot nitong alahas maliban nga raw sa relo. At talagang pati ‘yun ay napansin ng mommy nina Joshua at Bimby.
Sumagot naman si @maweeborrs ng, “Aww thank you so much! This was just for an article on what they imagined the characters would wear though hehe @lucerneluxemagazine.”
Naglabas ng official statement ang Warner Brothers Philippines tungkol sa kinita ng “CRA”, sa loob lang ng isang linggong pagpapalabas nito sa Pilipinas ay kumita na ito ng P82.7 million, anila ito ang pinakamalaking kinita sa Pilipinas para sa isang romantic comedy film.
Ayon pa sa Warner Bros, “CRA opening box office P82.7M, biggest for Warner Brother film for 2018 and Biggest opening for a foreign film/English Rom-Com All-Time.”
Hawak ng pelikulang “Maid In Manhattan” ni Jennifer Lopez ang record para sa romcom na ipinalabas sa Pilipinas noong 2002, pero pagkalipas ng 16 taon ay natalo na ito ng “Crazy Rich Asians.”
Kahit sabihin pang ilang minuto lang ang exposure ni Kris sa pelikula ay masasabing highlight din ito ng movie at malaking tulong din ang naimbag niya sa P82.7 million mula sa kanyang supporters at ng mga taong na-curious kung ano ang ginawa ng kilalang social media influencer sa nasabing Hollywood film.
Samantala, pinasalamatan ni Kris ang lahat ng nanood at sumuporta sa “Crazy Rich Asians” base na rin sa Instagram post niya kahapon.
“Please know your heartwarming comments & posts have made me feel immeasurable GRATITUDE. I thank you for the effort to watch @crazyrichasians, some of you going multiple times w/ family, officemates, best friends, school barkadas, and your boyfriends & husbands the eyewitness accounts of spontaneous applause & cheering in movie theaters nationwide when my character made her entrance in Colin & Araminta’s wedding.
“And most significant for me the PRIDE you, the moviegoers felt in being FILIPINO during my few minutes portraying Princess Intan in @crazyrichasians-this feeling of SOLIDARITY for the sake of our NATIONAL IDENTITY will forever inspire me to strive harder to promote & protect our values, dignity, and grace as a people walking into the light, with sunbeams filtering in, I embraced the blessing because for that moment- I WAS YOU, and YOU WERE ME. #ilovethephilippines.”
‘Yung iba nga paulit-ulit pang pinanood ang “CRA” dahil gandang-ganda sila sa Singapore lalo na sa mga pagkain. Na-miss tuloy namin ang bansang ilang beses na rin naming binalik-balikan dahil sa masasarap at murang pagkain sa kalye.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.