Julia handa ka na ba? Plano ni Joshua...baby muna bago kasal | Bandera

Julia handa ka na ba? Plano ni Joshua…baby muna bago kasal

Cristy Fermin - August 27, 2018 - 12:01 AM

BAGO sumalang sa interbyu ay dapat munang pinaaalalahanan si Joshua Garcia tungkol sa mga paksang karapat-dapat at hindi niya dapat sinasagot nang kaswalan.

Alam naman natin na ang salitang nabitiwan na ay mahirap nang bawiin pa, tatatak na ‘yun sa utak ng mga nakakarinig, masuwerte ang nagbitiw ng mga salita kung makababawi pa siya.

May tanong kay Joshua kung kailan siya nagpaplanong magpakasal? Ang kanyang sagot nang agaran, baby raw muna bago ang kasal, ganu’n ang mabilis niyang tugon sa tanong.

Ganu’n daw kasi sa probinsiya, bigla na lang nagbubuntis ang babae, wala raw nakakaalam kung kailan mabubuo ang baby. Maluwag ang disiplina ng magaling na young actor tungkol sa mga ganu’n kaseryosong tanong.

Sagot lang siya nang sagot, hindi muna siya nag-iisip na puwedeng bumuwelta sa kanyang pagkatao ang mga sinasabi niya, at damay pa ang kanyang girlfriend na si Julia Barretto.

Ano tuloy ang naiisip ngayon ng mga nakarinig sa sagot ni Joshua? Masisisi ba niya ang mga naghalo ng malisya sa kanyang sagot?

Siguro raw ay may ginagawa na silang milagro ngayon ni Julia at maaaring isang araw ay magdalantao na ang magandang aktres. Baby raw muna, sabi ni Joshua Garcia, at saka na ang kasal.

Ganu’n?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending