Milyong halaga ng alahas, ari-arian ipinamana ng nanay ni Sharon kay KC
WISH ng fans and followers ni KC Concepcion ng pakasalan na siya ng kanyang French filmmaker boyfriend na si Pierre Emmanuel Plassart. They feel daw na si Pierre na ang Mr. Right ng dalaga.
Bagay kasi sina Pierre at KC based sa mga larawan na ipinost ng anak ni Megastar Sharon Cuneta. Nasa tamang edad at posisyon na rin sila sa buhay para bumuo ng sariling pamilya.
For sure, makakabuo sila ng mga magagandang baby.
‘Yun pa naman ang matagal nang inaasam-asam ni Mega, ang mabigyan na siya ng apo ni KC. And what more kung buhay pa ang Mamita ni KC na si Mommy Elaine Cuneta. Baka sa apo sa tuhod pa ipinamana ni Mamita lahat ng kanyang ari-arian at hindi kay KC.
Kunsabagay, sa rami ng ari-arian ni Mommy Elaine sapat-sapat o mahigit pa ang mga ‘to para ipamana kay KC at sa magiging baby niya.
Bukod sa mga collector’s item na branded bags na ipinamana ni Mamita kay KC at iba pang super expensive jewelry collection (gaya ng relong nagkakahalaga ng mahigit P21 million), may properties pa si Mommy Elaine na buhay pa lang siya ay naisalin na raw sa pangalan ng apo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.