Taiwanese national nahulihan ng P40M halaga ng shabu sa Binondo
NAARESTO ngayong araw sa Binondo, Maynila ng mga miyembro ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang isang Taiwanese national kung saan nakumpiska ang tinatayang P40 milyong halaga ng shabu.
Basa sa inisyal na ulat, nakuha mula sa suspek na si Chong Chin Hao ang pitong malalaking pakete ng shabu na tumitimbang ng anim na kilo.
Nakuha rin mula sa suspek ang 20,000 mga bala para sa 9-mm caliber pistol at 388 selyadong mga pinaghihinalaang kemikal na ginagamit sa paggawa ng iligal na droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending