Ate Vi naloka sa pasabog ng pekeng ‘Vilma’

By Jun Nardo August 24,2018
share this

Ate Vi naloka sa pasabog ng pekeng ‘Vilma’

By Jun Nardo August 24,2018
share this

JESSY MENDIOLA, VILMA SANTOS AT LUIS MANZANO

NABISTO ni Luis Manzano ang pekeng Twitter account ng inang si Congresswoman Vilma Santos-Recto gamit ang user name na @VilmaSantosRecto.

Ayon kay Ate Vi nang hingan namin ng reaksyon through text, matagal na raw ang nasabing bogus account.

Nang sabihin ni Luis sa kanya ang latest tweet ng poser na kinumpirmang engaged na sina Lucky at girlfriend na si Jessy Mendiola, nawindang siya.

Sa totoo lang, mali pa nga ang user name na inilagay niya sa aktres, huh!

Narito ang tweet ng poser ni Congresswoman Vilma: “I am happy to announce that my son @luckymanzano and @JessyMendiola is now engaged…I’d be a lola soon…”

Walang Twitter account si Cong. Vilma kaya nang malaman ang tweet ng poser, nag-text siya agad sa amin.

“My gosh…do you think ako ang klase ng tao na magsasalita ng ganun??? NO IT’S NOT ME AND I DON’T HAVE A TWITTER ACCOUNT!!!

“Matagal na niyang ginagawa yun!!! Noon pa! FAKE NEWS!!! Ikaw na bahala Jun and some friends sa press!!! Will see you soon pag resume ng office!!!” reaksyon ni Cong. Vi.

“Kilala naman ako ng mga tao na hindi ko magagawa yun..That’s not true!!!!” diin pa ng Star For All Seasons.

Sa totoo lang, pagdating sa personal life ni Luis, never na nagsalita tungkol dito si Ate Vi. Kahit meron siyang alam, nandoon pa rin ang respeto sa anak niya lalo na’t may pangalan din siyang iniingatan.

Ang alam namin, meron siyang Official Face Book page pero ‘yung activities niya bilang congresswoman ang nakalagay roon. Pero never itong naglaman ng personal na messages lalo na tungkol sa kanyang pamilya.

Naku, may siniraan ding mga artista ang pekeng account na yun gamit ang name ni Ate Vi gaya nina Erik Santos at Inigo Pascual, huh!

Dapat tandaan ng poser na to na congresswoman si Ate Vi at senador ang asawang si Ralph Recto, kapwa may iniingatang pangalan kaya for sure, they will not take this sitting down.

Wala na talagang pinipiling personalidad na pinepeke ang social media trolls, huh!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending