Noranians kina Lotlot: Kung hindi dahil kay Ate Guy baka agaw-cellphone na sila ngayon! | Bandera

Noranians kina Lotlot: Kung hindi dahil kay Ate Guy baka agaw-cellphone na sila ngayon!

Cristy Fermin |August 23,2018
facebook
share this

Noranians kina Lotlot: Kung hindi dahil kay Ate Guy baka agaw-cellphone na sila ngayon!

Cristy Fermin - August 23, 2018 - 12:20 AM

LOTLOT DE LEON, NORA AUNOR AT JANINE GUTIERREZ

HINDI dapat maging balat-sibuyas si Lotlot de Leon sa mga komentong naglalabasan ngayon sa social media laban sa kanya. Siya ang pinakamatanda sa mga itinuring na tunay na anak ng Superstar kaya sa kanya nabubunton ang galit ng mga Noranian.

Kahit naman mga hindi tagasuporta ni Nora Aunor ay ganu’n din ang emosyon, siya ang dapat magpakumbaba para lumapit sa kinagisnan niyang ina, hindi ‘yung ganyan na nakikipagmatigasan pa siya.

Kuwento ng aming source, “May mga nagtutulay sana uli para sa pagkakasundo nila, pero hindi ‘yun binigyan ng chance ni Lotlot. Huwag na raw, tahimik na raw ang buhay nilang magkakapatid.

“Ang point naman ng marami, e, bakit siya nagkakaganyan, samantalang napakalaki ng naging sakripisyo sa kanila ni Ate Guy? Sabihin nang may mga pagkukulang si Nora sa kanila, sabihin nang hindi naman nagampanan ni Nora ang pagiging ina sa kanila, e, nand’yan pa rin ang katotohanan.

“Silang magkakapatid, hindi nila matatakasan ang truth na kung wala si Nora, e, ano na kaya ang naging kapalaran nila? Baka mga agaw-cellphone sila ngayon!

“Ibinigay ni Nora ang kaligayahan nilang magkakapatid, hindi rin ba nila maibibigay ang happiness ng mommy nila? Dahil lang kay John Rendez, winasak na nila ang lahat-lahat?

“Hay, naku! Suwerte-suwerte rin minsan ang pag-aampon! May mga tumatanaw ng utang na loob, meron ding hindi!” naiinis na pagtatapos ng aming kausap.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending