Richard: Hindi na namin kailangang mag-bonding ni Dingdong!
SINIGURO ni Richard Gutierrez na kakaibang experience naman ang mararanasan ng madlang pipol sa pelikula nilang “Fantastica” na entry sa 2018 Metro Manila Film Festival.
First time makakatrabaho ni Richard sa nasabing movie si Vice Ganda at ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.
“Third shooting day pa lang namin, okay naman, masaya. Masaya ‘yung mga eksena, walang tigil na tawanan for sure ang ma-e-experience ng audience namin for sure,” ang chika ni Richard sa panayam ng ABS-CBN.
“Nakakatuwa nga kasi kung kailan naging Kapamilya ako, doon pa kami nakapagtrabaho (ni Dingdong), kasi never pa kami nakapagtrabaho ni Dong,” sabi pa ni Richard. Pero dagdag ng aktor, hindi na nila kailangang mag-bonding para sa “Fantastica”.
“Okay naman kami. Actually we’re part of the same motorcycle group so we always see each other, so in terms of bonding, hindi na namin kailangan mag-bonding,” paliwanag ni Richard.
“Pero siyempre first time naming aarte sa harapan ng camera together so that’s going to be new experience for us,” aniya pa.
Ibinalita rin ni Richard na bukod sa “Fantastica” magsisimula na rin ang taping niya para sa bago niyang telesereye sa ABS-CBN kasama si Bea Alonzo.
“Excited ako na makasama si Bea. Noong nagsisimula ako before, magkahiwalay kami ng network, and finally ngayon magkakasama na kami sa isang telerserye kaya I’m looking forward for that,” ani Richard.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.