Magandang aktres nawawala sa sarili sa sobrang kadaldalan

By Cristy Fermin August 22,2018
share this

Magandang aktres nawawala sa sarili sa sobrang kadaldalan

By Cristy Fermin August 22,2018
share this

MARAMING nag-iinterbyu sa isang magandang aktres ang nagugulat sa kanyang mga pinagsasasabi.

Hindi siya nakapokus lang sa proyektong ginagawa niya, buong mundo ang kanyang tinatalakay, malaki ang malasakit niya sa mga nagaganap sa paligid.

Malawak ang alam niya sa current events, hindi mo siya mahuhuling walang alam, utang na loob daw niya ‘yun sa palagi niyang pagbabasa at panonood ng mga balita sa telebisyon.

Kuwento ng aming source, “Grabe siya, aware siya sa mga nagaganap sa buong mundo, hindi lang basta may alam siya, talagang ang dami-dami niyang alam na balita.

“Concerned siya sa ating kapaligiran, alam niya kung anu-anong bansa ang naglalaban-laban at kung nasaan ang sentro ng giyera. Ganu’n siya kagaling, nakagugulat ang kaalaman niya sa mga nangyayari sa buong planeta natin,” papuri sa magandang aktres ng aming source.

Kaya lang, kapag nagkukuwento na siya nang pagkahaba-haba tungkol sa mga nangyayari sa iba-ibang bansa ay naliligaw na siya, nakakalimutan na yata niya na kaya siya iniinterbyu ay
dahil sa bagong project na ginagawa niya.

“Ang sasabihin niya, ‘Where are we na nga?’ Ligaw na siya, hindi na niya alam kung saan siya mag-uumpisa. Kasi nga, puro kuwento tungkol sa buong mundo ang sinasabi niya.

“So, kapag ang project na niya ang topic, e, parang nawawala na siya. Kung anu-ano na lang ang pinagsasasabi niya. Nakakaloka siya! Alam niya ang tungkol sa mga giyera, pero ang role niya, e, hindi niya kabisado!” tawa nang tawang chika pa ng aming impormante.

Habang nagsasalita ang magandang aktres ay para siyang nagbe-baby talk. Ganu’n siya palagi.

Para siyang nagpapa-cute na ewan na may papikit-pikit pa palagi ng kanyang mga mata.

“Pero impernes, maganda pa rin siya, ha? Kakabugin pa rin ng beauty niya ang mas batambatang aktres sa kanya d’yan! Malakas ang appeal niya, kaya kahit pa nanay na ang age niya, e,
marami pa ring bagets na nagkakagusto sa kanya!

“Ikaw na ang nakatira sa wonderland!” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, siguradong getlak n’yo agad kung sino ang magandang aktres na ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending