Female celeb na biktima ng pang-aabuso ng dating dyowa natagpuan na si 'Mr.Right' | Bandera

Female celeb na biktima ng pang-aabuso ng dating dyowa natagpuan na si ‘Mr.Right’

Cristy Fermin |August 20,2018
facebook
share this

Female celeb na biktima ng pang-aabuso ng dating dyowa natagpuan na si ‘Mr.Right’

Cristy Fermin - August 20, 2018 - 12:15 AM

MARAMING natutuwa dahil natagpuan na ng isang kilalang female personality ang kanyang kaligayahan. May nakilala siyang non-showbiz guy na handang magmahal sa kanya at sa nag-iisa niyang anak sa dati niyang karelasyon.

Pagkatapos kasi nilang maghiwalay ng lalaking pinakasalan niya ay nakipagmabutihan ang babaeng personalidad sa isang negosyanteng pa-milyado na.

“Nailihim nila nang matagal ang relasyon nila, ingat na ingat sila sa paglabas dahil baka may makakita sa kanila, pero talagang kahit ano ang mangyari, e, siguradong may makakadiskubre pa rin ng katotohanan.

“Imagine, napakasimple lang ng pangyayari. Dumaan lang sila sa isang grocery store, tapos, nandu’n pala ang mismong biyenan ng wife ng negosyante?

“’Yun na! Mula nu’n, hindi na kinausap ng wife niya ang guy, talagang para lang siyang talbos ng kamote kapag umuuwi sa bahay nila, walang pumapansin sa lalaki.

“Walang choice ang guy kundi ang hiwalayan na lang ang female perso-nality, hindi niya maipagpapalit ang family niya sa isang panandaliang relas-yon lang, dahil hindi naman sila puwedeng magpakasal!

“Naiwang nganga ang girl, hanggang sa makilala na nga niya itong guy na handang panindigan ang pagiging father sa anak niya. Ngayon, maligaya na si girl, nakita na niya ang lalaking makakasama niya habambuhay,” kuwento ng aming source.

Hindi naging maganda ang paghihiwalay ng girl at ng ama ng kanyang anak. Sa ibang bansa sila nanirahan, paryentes lang ng lalaki ang nandu’n, sobrang lungkot ang hindi kinaya ng female personality at marami pang ibang dahilan.

“May kuwento pa ngang sinasaktan siya ng guy, wala naman siyang magawa, dahil napakalayo ng family niya, nandito sa atin. So, kapag ganu’n ang nangyayari, puro iyak na lang ang nagagawa niya.

“Kawawa rin ang babaeng ‘yun dahil mabait siya at mapagmahal siya sa pamilya niya. Pero lahat ng masasakit na pangyayaring ‘yun sa buhay niya, e, bayad na! Nakilala na niya ang taong makakasama niya nang panghabambuhay at mamahalin pa ang anak niya.

“Getlak n’yo na kung sino siya, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday?” pagtatapos pang chika ng aming impormante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending