NAGKAABERYA ang operasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) matapos na magkaroon ito ng problema sa signaling system, dahilan para pababain ang 600 pasahero.
Ganap na alas-3:07 ng hapon nang pababain ang mga pasahero sa northbound ng Shaw Boulevard station.
Pinalipat ang mga pasahero sa sumunod na tren na dumating makalipas ang limang minuto.
Posible umanong luma na ang mga piyesa ng ATP signaling system kaya ito nasira.
Bago ito noong Agosto 9 huling nagkaroon ng unloading incident sa MRT.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending