Cardo Dalisay 'inaampon' ang mga artistang nilipasan na ng panahon | Bandera

Cardo Dalisay ‘inaampon’ ang mga artistang nilipasan na ng panahon

Cristy Fermin - August 19, 2018 - 12:50 AM

COCO MARTIN

Umaani ng papuri ngayon si Coco Martin dahil sa pagkandili niya sa dating child actor na si CJ Ramos.

Kailan lang ay pumagitna sa balita ang guwapo pa ring si CJ dahil sa usapin ng droga.

Nilinaw ng mga otoridad na oo nga’t hinuli nila si CJ Ramos ay rehab lang ang ipapayo nila sa aktor dahil napakaliit na timbang lang ng droga ang natiyempuhan nilang hawak ni CJ.

Kinasuhan pa rin siya, pero puwede siyang magpiyansa, kaya agaran ding nakalaya ang aktor na sising-sisi sa naganap sa kanya.

Nang makarating kay Coco Martin ang pagkasangkot ng dating child actor sa hulihan at nang malaman niya na matinding depresyon ang naging dahilan ng pagbibisyo ni CJ ay naging mabilis ang takbo ng mga pangyayari.

Isang staff ng Dreamscape Productions ang tumawag kay CJ, magkita raw sila, dahil may nakahandang trabaho para sa kanya sa Ang Probinsyano.

Walang kasingsaya si CJ nang malaman nito na meron nang nakahandang role para sa kanya, si Coco Martin ang naging susi ng lahat, kaya ganu’n na lang ang kanyang pasasalamat sa bida ng matagumpay na serye.

‘Yun naman talaga ang maipupuri kay Coco Martin, binibigyan niya ng panibagong pag-asa ang mga artistang walang trabaho, inaampon niya ang mga artistang nilipasan na ng panahon ang popularidad.
Mabuhay ang magiting na si Ricardo Dalisay!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending