Joshua ‘extra challenge’ ang role sa bagong serye: Ang hirap mag-english!
AMINADO si Joshua Garcia na extra challenge para sa kanya ang ginagampanang role sa first teleserye nila ni Julia Barretto sa ABS-CBN, ang Ngayon At Kailanman.
Kung sa mga nakaraan niyang drama series at pelikula ay lagi siyang anak ng mahirap sa Ngayon At Kailanman ay gaganap naman siya bilang si Inno, isang rich young man na mula sa kilala at makapangyarihang pamilya.
Kuwento ni Joshua sa nakaraang presscon ng bagong Kapa-milya serye, baligtad naman sila ngayon ni Julia na gumaganap bilang si Eva, isang street-smart, free-spirited na bagets na lumaki sa kalye kaya madiskarte sa buhay.
Ayon sa binata, kung may isang big challenge sa kanya sa serye, yan ay ang pagsasalita niya ng straight English dahil nga nagmula siya sa buena familia. “Opo, mahirap ang English!
“Ganu’n daw kasi yung kailangang pag-deliver, kailangan slow din para walang buckle. Tama yung pagkakabigkas.
Challenging dito talaga yung pag may confrontation na, ang hirap. Tapos English,” natatawa pang kuwento ni Joshua tungkol sa kanyang role.
Sa katunayan, binigyan pa raw ng speech coach ang binata para tulungan siya sa pade-deliver ng kanyang dialogue, “Pilipit dila, e. Pasalamat din ako sa Star Creatives kasi nagbigay talaga sila ng speech coach. So bago sumalang sa eksena, iko-coach muna ako.”
Puring-puri naman si Joshua ng kanyang co-stars sa pagiging totoo ng binata, lalo na si Iza Calzado. “I have to say congratulations for even being open to be coached for some people don’t want to be coached,” ani Iza.
Samantala, level-up din ang challenge kay Julia sa pagganap bilang si Eva na isang “jologs”, walang arte at mapagmahal na anak.
“Finally, nabigyan ako ng role na malayong malayo po sa akin. The character itself already is different even without delivering the lines. Ako po kasi siguro, yung mga past ko, yung mga binibigay na role sa akin, mas restrained also. Parang hindi masyadong loud.
“Dito po, si Eva, free-spirited, mas magalaw, mas loud, mas big yung movements, yung pagkasalita ko po is mas bargas, parang laking ano talaga,” aniya pa.
In fairness, talaga raw sumailalim sa immersion si Julia para mas maintindihan ang kanyang role. Nagpunta siya sa isang depressed area para ma-experience ang buhay ng mga tagaroon.
Kuwento ng dalaga, “In fairness, bilib na bilib ako kasi noong nag-immersion kami, these people have more reasons than us to complain about life but they’re so hopeful and positive in life.”
Mapapanood na ang Ngayon At Kailanman simula sa Aug. 20 sa ABS-CBN Primetime Bida kapalit ng Bagani.
Makakasama ng JoshLia rito sina Iza Calzado, Alice Dixson, Christian Vasquez, Dominic Ochoa, Ina Raymundo, Rio Locsin, Ronnie Lazaro, Jameson Blake, at Boyband PH member Joao Constancia. Ito rin ang magsisilbing comeback series ng veteran actress na si Rosemarie Gil, ang nanay nina Cherie Gil, Michael de Mesa at ng yumaong si Mark Gil.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.