18th Asian Games magbubukas ngayon | Bandera

18th Asian Games magbubukas ngayon

Angelito Oredo - August 18, 2018 - 12:05 AM

PANGUNGUNAHAN ni Filipino-American basketball player Jordan Clarkson ang delegasyon ng Pilipinas bilang flag bearer sa opening ceremonies ng 18th Asian Games ngayong gabi sa Gelora Bung Karno Stadium sa Jakarta, Indonesia.

Kasama ni Clarkson na mangunguna sa 270-katao na delegasyon ng Pinas si national team chef de mission Richard Gomez sa pagbubukas ng continental multi-sports event na tinaguriang “Olympics of Asia” na gaganapin alas-7 ng gabi (alas-8 ng gabi, PH time) sa 80,000-capacity na stadium.

Una nang napili bilang flag bearer ng Pilipinas ang Rio Olympics silver medalist na si Hidilyn Diaz subalit tumanggi ito.

Umatras din si Incheon Asiad gold medalist Daniel Patrick Caluag bago inindorso ni Gomez si Clarkson bilang flag bearer.
“Clarkson is a good role model who has reached the pinnacle of being a Filipino basketball athlete by playing in the NBA. He will inspire our other athletes here to do well,” sabi ni Gomez patungkol sa Fil-Am pro cager.

Isusuot naman ng PH Asiad delegation sa opening rites ang barong na gawa sa silk at may tahing ‘harimanok’ na disenyo at araw sa dibdib.

Samantala, hindi pa man nagtatagal matapos na magwagi ang Philippine men’s basketball squad ay agad na inaabangan ang salpukan sa pagitan ng Pilipinas kontra powerhouse China.

Ito ay matapos na maraming mga mamamahayag na nagsusulat sa main press center ng ginaganap na 18th Asian Games ang nagnais na makausap at makakuha ng panayam para sa inaasahang magiging matinding salpukan ng PH men’s basketball team sa ilalim ni national coach Yeng Guiao at China.

Isa na rito si Amir Nazvi, isang Indian national na nagtatrabaho para sa isang Hong Kong daily, na nakipagkasundo sa ilang Philippine journalist upang matulungan na maitakda ang isang interview kay Guiao at Clarkson patungkol sa tampok na laban.

“I was told to write about the Philippines and China match because the Philippines has one NBA player and China has two. It’s quite an interesting story being first in the Asian Games,” sabi ni Nazvi.

Dumating sa Indonesia si Clarkson noong Huwebes at inabutan ang laban ng Pilipinas at Kazakhstan sa ikatlong yugto matapos magbiyahe mula Estados Unidos papuntang Jakarta.

Matatandaan na pinayagan ng National Basketball Association (NBA) na makalaro si Clarkson sa kada apat na taong torneo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Clarkson ay miyembro ng Cleveland Cavaliers sa NBA. Ang 26-anyos at 6-foot-5 guard ay sasabak sa kanyang unang paglalaro sa Asiad para sa Pilipinas kontra China sa Agosto 21.

Sasagupain ni Clarkson at kabubuo lamang na PH 5 ang ilang beses nagkampeon sa torneo na China na pangungunahan ni 7-foot-1 Houston Rockets center Zhu Qi.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending