Wiretapping vs drug lords inaprubahan ng House panel
INAPRUBAHAN na ng House committee on dangerous drugs ang panukala na payagan ang wire tapping sa mga kasong may kaugnayan sa ipinagbabawal na gamot.
Ayon sa chairman ng komite na si Surigao del Norte Rep. Ace Barbers sa ilalim ng panukala ay bibigyan ng exemption ang otoridad sa Anti-Wiretapping Act kung gagawin ito sa pagmamanman sa mga tao na may kaugnayan sa sindikato ng droga.
Sinabi ni Barbers na mahalaga ang panukalang ito upang magtagumpay ang kampanya ng gobyerno laban sa ipinagbabawal na gamot.
Sa kasalukuyan, ang exempted lamang sa anti-wiretapping law ay ang mga kaso na may kaugnayan sa pagpapatalsik sa gobyerno.
Sa kasalukuyan ang saklaw ng batas ay ang “dictaphone o dictagraph o dictaphone o walkie-talkie o tape recorder kaya isinama na sa panukala ang mga electronic gadgets na gamit sa komunikasyon.
Pipiliin naman ang mga sangay ng gobyerno na maaaring makapagsagawa ng legal na wiretapping.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.