Kiko Estrada proud boyfriend ni Devon Seron, pero…

By Julie Bonifacio August 16,2018
share this

Kiko Estrada proud boyfriend ni Devon Seron, pero…

By Julie Bonifacio August 16,2018
share this

DEVON SERON AT KIKO ESTRADA

SUCCESSFUL ang ginanap na premiere night ng Graded A movie entry sa 2nd Pista Ng Pelikulang Pilipino, ang “Bakwit Boys” mula sa T-Rex Entertainment na ginanap sa Gateway Cinema sa Cubao.

Maski ang lead stars ng movie ay ‘di napigilang maluha sa saya dahil sa nakita nilang reaction ng audience. Kaya wish nila, kumalat ang kuwentuhan tungkol sa ganda ng kanilang pelikula.

Full-support naman ang ibinigay kay Ryle Santiago ng kanyang pamilya sa unang pagbibida niya sa pelikula. Present ang kanyang Mommy Sherilyn Reyes, Daddy Chris Tan at mga kapatid.

Nandoon din to give support kay Ryle ang kinalakhan niyang “grandparents,” ang mommy ni Chris na si Benjie at ang dating PBA player at coach na si Norman Black.

Wala ang ibang kamag-anak ni Ryle from Santiago side dahil death anniversary ata ng anak ng tiyuhin niyang si Randy Santiago. Ewan lang namin kung dumating ang Papa ni Ryle na si JunJun Santiago.

Anyway, ‘di naman nagpahuli ang nag-iisang bidang babae sa movie na si Devon Seron. And guess kung sino kanyang special guest escort that night? Walang iba kundi ang nali-link sa kanya na si Kiko Estrada. Nu’ng makausap namin si Kiko kasama ang kapwa namin writer na si Allan Diones sinabi niya na proud boyfriend siya kay Devon sa “Bakwit Boys.”

“Uy, boyfriend agad? Ha-hahaha! Pero salamat,” sabi ni Devon.

Alam naman daw ni Kiko na mahusay na artista ang dalaga. Pero mas natuwa siya nu’ng mapanood niya si Devon sa “Bakwit Boys.”

“Wow, thank you. Pero, oo nga po, e. Praning po ako sa mga show. Kaya every time na mag-a-act ako siya ‘yung nagpapakalma sa akin,” ani Devon.

Pero happy kayo ni Kiko? “Ay! Ha-hahaha! Oh, my God! Secret! We’re still getting to know each other. Masaya naman kami.”

Kapag ganyang masaya naman sila, dapat hindi na dine-deny, sabi namin. Sagot ng aktres, “Oo, hindi naman, Pero hindi ko rin naman kinu-confirm or anything. Basta I’m happy sa mga nagaganap sa akin ngayon. Not just sa lovelife kundi pati sa family and career.”
Masaya naman siya kay Kiko? “Happy ako kapag kasama ko siya,” ngiti ni Devon.

Tinanong namin siya kung ano ang ibig sabihin ng mga litrato nila ni Kiko na magka-holding hands sa social media kung hindi pa sila?

“Ay! Ha-ahaha! Sabi ko nga we’re still getting to know each other. And what you see is what you get.”

Spotted din namin si Kiko sa cast party ng “Bakwit Boys”. Naki-party all night long si Kiko with the cast, director na si Jason Paul Laxamana, staff at executive producer na si Sir Rex Tiri.

Wish ni Devon ay magkasama sila ni Kiko sa isang teleserye sa GMA. Although, a source told us na may gagawin nang movie ang dalawang Kapuso stars this year. So, alam na!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending