Na-sight mo na ba ang tamang pangangalaga ng mata?
KAMAKAILAN ay inilabas ng Department of Education ang Memorandum 124 para kilalanin ang ta-lino at kasanayan ng mga may kapansanan sa paningin.
Ayon sa Republic Act 6759 ang Agosto 1 ay idineklarang White Cane Safety Day para sa mga taong mayroong kapansanan sa paningin.
Layunin nito na lumikha ng programa u-pang makilala ang mga karapatan ng mga taong bulag at malabo ang paningin. Kinikilala rin nito ang white cane o pu-ting baston bilang simbolo para sa kaligtasan ng mga taong may problema sa paningin.
Para sa mga tao na wala pang problema sa paningin, papaano nga ba mabibigyan ng proteks-yon ang mga mata?
1. Kumain nang tama
Una sa listahan ang pagkain ng tama. Upang mapanatiling malusog ang mga mata ay kaila-ngan nito ng nutrients gaya ng omega-3 fatty acids, lutein, zinc, at vitamins C at E na makatutulong upang makaiwas sa macular degeneration at katarata.
Sa pagkain ng tama ay makakaiwas din na ma-ging obese at magkaroon ng type 2 diabetes na maaaring magresulta sa pagkabulag.
2. Sigarilyo, too much sun exposure
Ang paninigarilyo ay maaari ring pagmulan ng katarata at pagkasira ng optic nerve.
Ang pagsusuot ng sunglasses kapag masyadong maaraw ay nakatutulong upang maproteksyunan ang mata laban sa ultraviolet rays. Ang sobrang UV ay nagpapalaki sa tyansa na magkaroon ng katarata at macular degeneration.
Kung mamimili ng shades, ang kunin ay yung 99 percent o 100 percent UVA at UVB. Ang mga wraparound lenses ay nagbibigay ng proteksyon sa gilid ng mata samantalang ang mga polarized ay nakatutulong sa pagmamaneho.
May mga contact lens din na mayroong UV protection.
3. Protective goggles
Maganda rin kung magsusuot ng protective goggles sa mga laro gaya ng taekwondo, basketball at iba pang pisikal na laro gayundin sa mga trabaho gaya ng karpintero kung saan maaaring matalsikan ng mga maliliit na bagay ang mata.
4. Too much use of computer
Ang matagal na pagtingin sa computer screen o cellphone screen, lalo na kung palaging ginagawa, ay nagdudulot ng panla-labo ng patingin, nasisira ang pag-focus sa pagtingin sa malalayong bagay, nanunuyo ang mga mata, at sumasakit ang ulo, leeg, likod at balikat.
5. Tamang sukat ng salamin
Kung nakasalamin na, mahalaga kung titiyakin na tama ang salamin o contact prescription na ginagamit para hindi ma-stress ang mata na mag-reresulta sa lalong pagkasira nito.
Nakatutulong din madalas na pagkurap u-pang hindi matuyo ang mata.
Kung madalas na nakaharap sa computer, makabubuti kung tatayo kada dalawang oras u-pang maalis ang mata sa computer at tumingin sa mga bagay na may kalayuan.
Kahit na walang problemang nararamdaman, maganda kung makabibisita sa doktor upang mabantayan ang mga mata at makita kung mayroong mga sintomas ng mga sakit gaya ng glaucoma bago ito lumala.
6. Magpasuri sa doktor
Mayroong dalawang klase ng doktor na maaa-ring tumingin sa mata.
Ang ophthalmologists ang medical doctor na ang specialty ay panga-ngalaga ng mata. Ito rin ang nagsasagawa ng eye surgery.
Ang optometrists naman ay mayroong specialized training sa pa-ngangalaga ng mata. Hindi sila nagsasagawa ng operasyon sa mata.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.