Best of luck sa PH 5 | Bandera

Best of luck sa PH 5

Lito Cinco - August 10, 2018 - 10:33 PM

AKALAIN mo nga naman sasali tayo finally sa men’s basketball sa nalalapit na Asian Games sa Indonesia na magbubukas na sa susunod na linggo.

Lalaban tayo kahit wala pang isang linggo mula nang opisyal na nabuo ang Team Philippines (hindi Gilas Pilipinas ang tawag sa koponan) na hinahawakan ni Coach Yeng Guiao.

Flip-flopping kasi ang nangyari sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na naunang nagdesisyon na hindi na lang daw sasali sa men’s basketball event sa mga kadahilanan na hindi naman naging maganda sa mata ng basketball fans.

Nandoon na rin ‘yung kaa-announce pa lang ng Philippine Basketball Associatiion (PBA) na mag-field nga sila na ang team core group ay Rain or Shine at may reinforcements din mula sa ibang PBA clubs at Gilas cadets.

Siyempre maraming batikos ang tinanggap ng SBP pati na rin ang MVP group at Philippine Olympic Committee (POC) na pinangungunahan ni Ricky Vargas, na taga-MVP group din. Pati nga si boss Manny V. Pangilinan ay na-bash din sa social media.

Alam naman natin kung gaano kahalaga sa Pilipino ang men’s basketball at sa mga nagtatanong kung sino nga ba ang nag-decide na iatras ang partisipasyon natin sa Asian Games, e sa palagay ba ninyo sino lang ang pwedeng gumawa ng ganung desisyon di ba?

Pero siguro dahil nga binagyo ang SBP at MVP group ng batikos sa social media at print media na kung saan maraming nagsalita na basketball personalities na laban sila sa ginawang pag-urong ng SBP sa Asiad, bumaligtad ang SBP at sinabi na sasali na rin nga tayo sang-yon sa ginawang desisyon ng PBA na tanggapin ang offer ng Rain or Shine team para sa Asiad.

At isinama nga sa binuong team sina Gabe Norwood, Beau Belga, Chris Tiu, Raymond Almazan, James Yap at si Maverick Ahanmisi mula sa Rain or Shine at dinagdag sina Paul Lee ng Magnolia, Don Trollano ng TNT, Christian Standhardinger ng San Miguel Beer, JP Erram ng Blackwater, Stanley Pringle ng GlobalPort at Paul Asi Taulava ng NLEX.

Sa dami naman kasi ng magagaling na players dito, mahirap nga naman paniwalaan na walang pamalit sa mga national players na sinuspinde ng FIBA dahil sa away nila sa mga Australyano.

Makakalaban natin dapat sa preliminary round ang Iran, Syria, at United Arab Emirates sa Group B bago nalipat sa Group D kasama ang China at Kazakhstan. Medyo mabigat sana ang laban sa dating kampeon na Iran pero palagay ko naman ay kaya pa rin natin lusutan ang Syria at UAE. Ang problema ay sa susunod na round na papasok malamang ang China, Korea, Japan, Qatar at iba pang malalakas na team sa Asia.

Naniniwala naman ako na si Yeng ay tama ang pagkakapili bilang coach. Magaling siya sa motivation sa players at ‘yun ang kailangan ng team natin considering gaano kaikli ang panahon na mag-train sila as a team. Twice a day na nga raw ang narinig ko na ensayo ng team at siyempre bilang isang Pinoy, I wish the best of luck sa ating team. Kailangan naman talaga na may kasamang suwerte para makaangat itong team na ito sa Indonesia.

At iyan ang isang issue ko, dapat pa ba naman mangyari sa isang basketball team natin ‘yung alam naman natin kelan ang sasalihan na tournament pero mahuhuli pa rin tayo sa preparasyon? Nandoon na ako na may nangyari sa original Gilas team pero huwag naman sabihin na wala na ngang puwedeng magawang paraan, e dati nga may Pesta Sukan team tayo bukod sa regular national team, di ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapulitika kasi talaga ang sports dito sa atin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending