OJT program ng PUP for Journ students kinuwestyon | Bandera

OJT program ng PUP for Journ students kinuwestyon

Djan Magbanua - August 10, 2018 - 05:16 PM

NAGLABAS ng hinaing ang former journalist at ngayon ay Chief ng Public Information Office ng Quezon City government na si Ares Gutierrez sa kanyang social media account patungkol sa patakaran na ipinatutupad ng Polytechnic University of the Philippines sa mga mag-aaral nito sa kursong Journalism na sumasailalim sa On-the-Job training.

Pinuna kasi ni Gutierrez ang pagre-require ng PUP sa mga Journ students nila na magkaroon ng 50 by-lined articles sa loob ng 200 hours ng kanilang pagti-train.

“Dear Polytechnic University of the Philippines (Official), hindi ba talaga kayo maaawa sa mga estudyanteng pinago-OJT niyo na nire-require mag-produce ng 50 by-lined articles on top of 200 training hours?” aniya sa kanyang post sa Facebook noong August 6.

Aniya rin, hindi basta-basta ang pagkakaroon ng bylines at ito “earned though hard work and perseverance.”

“By tradition, by-lines are earned through hardwork and perseverance. Ask the real practitioners in your faculty how the system works. Hindi nalalayo ang requirement niyo sa mga projects na paramihan ng likes. Gusto nyo rin ba patatakan rin ng star mga kamay ng mga intern para matuwa si teacher?” pagtatapos nya.

Ilang mga journalist na rin ang nagkomento rito.

Sabi naman naman ng isa: bukod pa sa 50 byline na articles ay 1:1 ang polisiya para sa mga Journ students na ang ibig sabihin ay hindi sila pwedeng mag OJT sa iisang kumpanya lang.

Pinatunayan naman to ng ilang mga graduates ng PUP at nasabing nadagdagan pa ito dahil sa simula raw ay 30 by-lined articles lamang ang pinagawa sa kanila.

Ang Journalism students ay nasa ilalim ng PUP College of Communications (PUP COC).

Sa ngayon ay wala pang nilabas na statement ang PUP COC.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending