Amnesty sa 100K OFW sa UAE | Bandera

Amnesty sa 100K OFW sa UAE

Liza Soriano - August 10, 2018 - 12:10 AM

MAHIGIT sa 100,000 overstaying na overseas Filipino workers ang inaasahang makikinabang sa tatlong buwang amnestiya na inaalok ng pamahalaan ng United Arab Emirates (UAE).

Mas makabubuting ang lahat ng mga OFWs na overstaying o tumakas sa kanilang mga employer sa UAE ay kumuha na ng amnestiya at isaayos ang kanilang estado. At pagkatapos ay boluntaryong magpa-repatriate pabalik sa Pilipinas.
Nagsimula ang amnestiya ngayong buwan at magpapatuloy hanggang sa katapusan ng Oktubre.

Tinatayang mayroong 646,258 documented OFW sa UAE kung saan 224,572 mga OFW rito ay nasa Abu Dhabi habang 421,686 naman ang nasa Dubai.

Inaasahang nasa 87,706 na undocumented at overstaying na mga Pilipinong manggagawa ang makikinabang nito sa Abu Dhabi at 14,400 naman sa Dubai.

Kaya pinapayuhan ang lahat na undocumented, distressed, at overstaying na mga OFW na kumuha na agad ng programang ito na iniaalok ng pamahalaan ng UAE upang maging legal ang kanilang pananatili roon o kaya ay para makabalik sa Pilipinas para na rin sa kanilang kapakanan.

Handa ang ating pamahalaan na mabigyan sila ng ayuda kung naisin nilang umuwi sa bansa.

Sa ilalim ng programang amnestiya, o “Protect Yourself via Rectifying Your Status”, lahat ng dayuhan na lumalabag sa panuntunan sa paninirahan ay binibigyan ng pagkakataon na boluntaryong umalis ng UAE nang walang pananagutan sa batas o gawing legal ang kanilang estado sa pamamagitan ng pagbabayad ng tama.

Ang mga OFW na nais kumuha ng amnestiya ay maaaring humingi ng tulong mula sa Philippine Embassy sa UAE, maging sa Philippine Overseas Labor Office sa Abu Dhabi at Dubai.

Ang mga OFW na nais mapauwi ay makatatanggap ng agarang tulong mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), kabilang rito ang airport at cash assistance.

Liban sa mga nasabing tulong, bibigyan rin sila ng employment referral para sa local at overseas, livelihood assistance, legal at conciliation service, competency assessment at training assistance sa mga mapapauwing OFW sa ilalim ng DOLE Assist WELL (Welfare, Employment, Legal and Livelihood) Program). Overseas Workers Welfare Administration(OWWA) Information and Publication Service Department of Labor and Employment Intramuros, Manila Telephone Nos.: 5273000 local 621-627 Fax No.: 5273446.
vvv
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending