Sikat na male celeb ayaw nang makita ang pagmumukha ng ex-gf na aktres | Bandera

Sikat na male celeb ayaw nang makita ang pagmumukha ng ex-gf na aktres

Cristy Fermin - August 07, 2018 - 12:15 AM

MARAMI palang paraan ang isang pamosong male personality para malaman niya na walang kanegahan siyang dadatnan at makikita sa bakuran ng network na pinagtatrabahuhan niya.

Regular ang taping ng male personality, pero bago siya magpunta sa studio, inaalam niya munang mabuti kung wala du’n ang isang babaeng personalidad na ayaw na ayaw na niyang makita pa.

Puwede raw makakita ng multo ang male personality, pero ayaw na ayaw niyang makita ang kilalang aktres na minsan ay naging bahagi ng kanyang buhay, hanggang ngayon pala ay matindi pa rin ang galit niya sa female personality na ‘yun.

Kuwento ng aming source, “Hindi pa rin niya nakakalimutan ang ipinakitang ugali sa kanya ng babaeng ‘yun nu’ng sila pa. Kahit matagal na silang hiwalay, e, bumabalik pa rin sa alaala niya ang hindi niya matanggap-tanggap na ginawa sa kanya ng girl.

“Kunsabagay, grabe naman kasi ang ginawa sa kanya ng ex niya, masyado nang personal, kung kailan niya kailangan ng support dahil sa pinagdadaanan niya, e, ang girl pa ang unang-unang bumitiw sa kanya,” chika ng aming impormante.

Ngayong meron nang bagong karelasyon ang male personality ay hindi niya maiwasang ikumpara ito sa kanyang ex. Ibang-iba raw, napakalayo ng mga ugali ng dalawang babae sa isa’t isa.

“Wala kasing pagpapanggap ang girlfriend niya ngayon. Hindi nakikipag-compete sa success niya ang girl, hindi siya itinuturing na kakumpetisyon. E, ‘yung ex niya, para kasing insecure ang babaeng ‘yun na ewan!

“Kung beauty ang pag-uusapan, e, wala kang masasabi sa kasalukuyang girlfriend ni aktor, pati ang katawan niya, e, panglaban talaga. In fairness, maganda rin naman ang ex niya, kaya lang, may katigasan ang katawan.

“Very lucky ang male personality sa current girlfriend niya, ‘yun ang dahilan kung bakit gusto na niyang magpakasal sila, tested na niya ang ugali ng girl na walang tantrums na tulad ng ex niyang sumpungin!

“Ayaw na talaga niyang makita ang babaeng ‘yun, promise!” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, wala nang clue, hindi na kayo mauupo n’yan sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending