Para sa may kaarawan ngayon: Ang pagiging maunawain ang susi ng kaligayahan. Unawain ang mga kausap, sila rin ang magbibigay sa iyo ng malaking kita. Sa pag-ibig, kapag hindi inunawa ang kasuyo, magtatalo na naman kayo at muling magkakagalit. Mapalad ang 1, 16, 28, 34, 36, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohan-Om.” Green at pink ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Upang mas madaling umunlad ang buhay gumising nang maaga. Tapusin agad ang mga gawaing nakabinbin. Sa pag-ibig, huwag paghintayin ang kasuyo, kailangang mauna ka sa inyong tagpuan. Mapalad ang 3, 15, 27, 39, 42, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Yantra-Aum-Migeta.” Gray at violet ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Hindi dapat tumanggi kung alam mong wala ka namang ipapautang kaysa naman maapektuhan ang budget ng pamilya. Tumulong sa ibang paraan na walang kaugnayan sa materyal na bagay. Sa pag-ibig, laging unahin ang hinaing ng kasuyo. Mapalad ang 6, 9, 21, 33, 43 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Om.” Green at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Sa pag-ibig, “It is wonderful to get the answer of prayers, but it is even more wonderful when God converts you into an answer of somebody’s prayers.” Mahalin ang isang nilalang na matagal na sayo ay may lihim na pagtingin. Mapalad ang 5, 8, 23, 32, 37 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sol-Dasa-Om.” Pink at orange ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— May malaking halaga ng salapi na mahahawakan! Magtabi ng sapat na halaga para sa kinabukasan. Ngayon palang iplano na ang gagawing pakikipag-date sa kasuyong atat na atat ka ng makasama. Mapalad ang 2, 11, 25, 34, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Anilam-Om-Artam.” Blue at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Sa pinansiyal,, huwag mawalan ng pag-asa, darating ang panahong makakabayad ka rin sa mga pagkakautang. Sa pag-ibig, kung may pagkukulang ang kasuyo ay ikaw na ang magpuno upang magtuloy-tuloy ang relasyon. Mapalad ang 1, 10, 28, 34, 40, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Beige at magenta ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Iwasan ang maling relasyon upang hindi mapahamak. Sa pagiging tapat sa kasuyo ay mas magiging maligaya ang buhay. Sa pinansyal, huwag sayangin ang salapi kaya iwasang bumuli ng kung anu-anong gadgets na hindi mo naman kailangan. Mapalad ang 5, 9, 32, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Chandaya-Om.” Red at maroon ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Labis ang pagmamahal sa iyo ng kasuyo kaya mdalas siyang magselos. Mamayang gabi, romansahin mo siya nang todo upang mawala ang paghihinala. Sa pinansyal, magnegosyo ng kalakal na may kaugnayan sa pagkain upang yumaman. Mapalad ang 6, 15, 24, 34, 37 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Om-Malka-Om-Halka.” Purple at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Wag ubusin ang salapi dahil sa pag-ibig baka mabigo at lumuha ka na naman. Hayaan mong kusang dumating ang isang nilalang na isinilang sa zodiac sign na Cancer. Sa pinansyal, upang yumaman ay mahalin ang bawat pisong mahahawakan. Mapalad ang 4, 13, 18, 27, 33 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Kris-Nah.” Yellow at black ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— Kung may mabigat na problema ay ituloy ang nakaugaliang pagdarasal upang mabilis na umangat ang kabuhayan. Tandaang anuman ang uri ng probema, may magic dasal. Mapalad ang 3, 12, 27, 39, 45, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yasoda-Om.” Violet at orange ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Kung ayaw nilang gawin ang tama, ipakita mo sa sarili mong halimbawa. Kung nanlalamig ang karelasyon, ikaw ang mag-initiate upang ito ay muling magbaga. Sa pinansyal, ipakita sa kanila ang ehemplo ng masinop na pamumuhay. Mapalad ang 4, 8, 22, 32, 37 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Yara-Salvame-Om.” Red at gold ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Mapapahamak ka na naman dahil sa maling ginagawa ng mga mahal mo sa buhay. Sabihin sa kasuyo na huwag na rin siyang maangas at maepal. Itigil na rin ang labis na pangungutang kung wala namang inaasahang pambayad. Mapalad ang 2, 17, 26, 33, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ayena-Aum-Patrenam.” Gold at orange ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— Upang huwag maubos ang salapi, sumunod sa mungkahi ng kasuyo. Unti-unti lang ang paggastos. Hindi kailangan ang pagkaing mahal na masarap, sa halip pagkaing mura lang pero masustansya ang mas mainam. Mapalad ang 7, 16, 29, 34, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Swami-Budhananda-Om.” Lilac at green ang buenas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.