Buking: Maine nagpapatayo ng sariling bahay | Bandera

Buking: Maine nagpapatayo ng sariling bahay

Jun Nardo - August 05, 2018 - 12:01 AM

IBINUKING ni Michael Flores sa isang video na nag-viral na may bagong bahay na ipinagagawa si Maine Mendoza. Dumalaw kasi ang aktor sa bahay ng parents niya.

Then itinuro niya ang isang ginagawang bahay sa tabi ng bahay ng kanyang magulang na kulay blue.

“Andito ako ngayon sa bahay ng parents ko. Alam niyo ba kung kaninong bahay ang ginagawa dun? ‘Yun o, kulay blue, sa tabi ng bahay namin.

“Kay Maine ‘yon! Hahaha! Hi, Maine! Your future neighbour. Miss you!” chika ni Michael.

Siyempre, may natuwa sa ibinalita ng aktor pero meron din namang hindi nagustuhan ang pambibisto ni Michael dahil isang pribadong tao raw ang kanilang idolo.

Nagkasama sina Meng at Michael sa katatapos lang na special season ng weekly fantasy series
na Daig Kayo Ng Lola Ko.

Of course Maine fans should be proud sa idolo nila dahil may magandang napupuntahan ang perang galing sa showbiz, huh!

Wala namang detalye kung saan ang lokasyon ng bagong bahay ni Maine kaya payo ng ilang followers ni Michael sa mga nagalit na fans ni Maine, hinay-hinay lang sa pamba-bash dahil hindi naman binanggit ng aktor ang exact location ng ipinatatayong house ng Dubsmash Queen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending