I-text kay Madam Sophia (July 03, 2013)
Mula kay Elsie Espejo ng …0231. Sino-sino po ba ang ka-compatible ng birthday kong May 14, 1993?
Tugon ni Madam Sophia: Ka-compatible ng birthday mong May 14, 1991 ang isang Virgo, Capricorn, Libra, Scorpio at kapwa mo Taurus higit lalo silang may birthday na 5, 14, 23, 9, 18, 27, 8, 17, at 26.
>>>
Mula kay Darwin ng …4341. March 28, 1979 ang birthday ko. Dati na akong nag-seaman pero naubos na ang pera ko, kaya balak kong mag-aplay uli. Kung mag-aaplay ako uli makakasampa kaya ako sa barko sa taon ding ito ng 2013 o mas magandang sa susunod na taon na lang ako mag-aplay?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong March 28, 1979 mas maganda kung ngayong taon na ito ka na mag aaplay sa barko, sapagkat sa taon ding ito ng 2013 sa edad mong 34 pataas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang kusang darating sayo hanggang sa tuloy-tuloy ka ng umunlad at yumaman.
>>>
Mula kay Mario ng Davao City. December 13, 1969 ang birthday ko. Ano-anong numero ang suwerte sa akin sa lotto?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong December 13, 1969 mapalad ka sa lahat ng numero na may suma total na 1, 7, at 5, tulad ng 10, 19, 28, 37, 16, 25, 34, 43, 14, 23, 32, 41, at iba pang kauri nito. Puwede mo ring subukan ang 5, 17, 23, 31, 37 at 41, gayon din ang 6, 19, 28, 31, 40 at 49.
Upang matiyak ang malaking panalo maghanap ka ng lotto outlet na malapit sa tindahan ng mga pagkain o may nagluluto, basta’t ang lotto outlet ay malapit sa elementong apoy, sa nabanggit na lotto outlet ka tatama ng jackpot sa taong 2013 hanggang 2014 sa edad mong 44 pataas.
>>>
Mula kay Myrna ng …7143. February 4, 1979 ang birthday ko. Matagal na po akong nilayasan ng aking asawa. Makapag-aasawa pa kaya akong muli at kailan?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong February 4, 1979 muli kang makapag-aaaswa, hatid ng isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Virgo na may birth date na 7, 16 o kaya’y 25, at ito ay inaasahang magaganap sa taong 2015 sa edad mong 36 pataas, na hahantong sa masaya at panghabambuhay na pagsasama.
>>>
Mula kay Carol ng Pangasinan. December 25, 1990 ang birthday ko. Makapag-aabroad po ba ako sa taong ito ng 2013. Kasalukuyan po kasi akong nag-aayos ng mga papeles ko at ano kaya ang magiging future o kapalaran ko sa pag-aabroad?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong December 25, 1990 sa taon ding ito ng 2013 sa edad mong 23 pataas makapag-aabroad ka kung ang bansang nais mong puntahan ay nasa Middle East, tulad ng K.S.A. , U.A.E., Kuwait at iba pang bansa na nasa Gitnang Silangan, kung saan, matapos mong makarating sa nasabing bansa muli kang makapag-aabroad sa mga bansa naman sa Asia, tulad ng Hong Kong, Singapore, at iba pa, at sa bandang huli, sa bansang Canada ka naman makapangingibanng bansa sa taon 2023, sa edad mong 33 pataas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.