Vhong sa grupo nina Deniece at Cedric: May galit pa rin sila kaya hindi pa sila humihingi ng tawad! | Bandera

Vhong sa grupo nina Deniece at Cedric: May galit pa rin sila kaya hindi pa sila humihingi ng tawad!

Ervin Santiago - August 04, 2018 - 12:10 AM

MAALIWALAS at fresh na fresh ang aura ni Vhong Navarro nang humarap siya sa members ng entertainment press sa presscon ng bago niyang pelikula, ang “Unli Life” under Regal Entertainment.

Inuulan kasi ngayon ng blessings ang TV host-comedian, kabilang na nga riyan ang pagbibigay ng “guilty” verdict kina Cedric Lee, Deniece Cornejo at Jed Fernandez sa kasong grave coercion na isinampa niya laban sa mga ito.

Ito’y may kaugnayan pa rin sa pambubugbog, paggapos, at pananakot sa Kapamilya comedian nina Cedric at Deniece sa condominium unit ng huli sa Taguig City noong January 22, 2014.

Ayon kay Vhong nang makausap namin at ng ilan pang members ng media after ng presscon, “Halos maglilimang taon na rin. Kumbaga, at least, nagkaroon tayo ng hinga. Kumbaga, nakita ng judge kung ano talaga ang sinasabi ko.”

Nang matanong kung napatawad na ba niya ang grupo nina Deniece, ito ang kanyang tugon, “Kasi, sabi ko nga uli, ako naman willing magpatawad kung ang tao ay pinagsisihan kung ano ang ginawa.

“Kasi mahirap magpatawad kung ang tao, e, hindi pa rin sila… may galit pa sila, hindi pa rin sila humihingi ng tawad,” aniya pa.

Inamin ng komedyante na kahit ilang taon na rin ang lumipas matapos maganap ang nasabing insidente, may mga araw pa rin na naiisip niya ang “bangungot” na ibinigay sa kanya nito.

“Kaya nga hangga’t maaari, yung mga bagay na ayoko nang pag-usapan, kasi ito yung bumabalik uli, e. Kumbaga, nakakapag-move on na tayo kahit papa’no, pero pag nababalik uli du’n sa mga balita.

“Hangga’t maaari nga, hindi na ako nanonood ng balita, hindi na ako nagbabasa ng diyaryo. Kasi nga, hangga’t maaari, gusto ko nang dumire-diretso.

“Kailangan nating umandar yung buhay natin, di ba? Pero kung babalikan natin, parang natitigil ako’t sumasariwa sa akin ang mga pangyayari,” paliwanag pa ni Vhong.

At dahil sa trauma matapos ang pangyayari, kinailangan niyang sumailalim sa therapy, “Yung nasa ospital ako, ‘yun ang ginawa ko. ‘Tsaka nung lumabas ako, meron pa rin akong ginawang sessions.”

q q q

Isa pa sa mga itinuturing na blessing ni Vhong ay ang kanyang bagong pelikula na kasama sa 2nd Pista Ng Pelikulang Pilipino, ang bonggang comedy film ng Regal Films na “Unli Life” directed by Miko Livelo.

Makakasama niya rito ang Kapuso beauty queen-actress na si Wynwin Marquez at ang tatay nitong si Joey Marquez. Ka-join din sina Ejay Falcon, Donna Cariaga, Jon Lucas, Isabelle de Leon, Alex Calleja, Kamille Filoteo, Red Olibvero at Jun Urbano.

May special participation din sa movie sina Dimples Romana, Joem Bascon, Jun Sabayton, Epi Quizon at Jhong Hilario.

In fairness, trailer pa lang ng “Unli Life” ay bentang-benta na sa madlang pipol dahil sandamakmak na views at likes na ang nahamig nito mula nang mai-post sa social media. Marami nga ang nag-comment na nakikita nila kay Vhong ang Hollywood comedian na si Jim Carrey sa mga eksenang napanood nila sa trailer.

Ang “Unli Life” ay tungkol sa sa isang simpleng lalaki (Vhong) na nabigyan ng chance na balikan ang kanyang nakaraan para harangin ang paghihiwala nila ng kanyang girlfriend (Wynwin).

Sa pamamagitan ng pag-inom ng magic whiskey, mapupuntahan ni Vhong ang iba’t ibang panahon na siyang dapat abangan ng manonood dahil dito magsisimula ang kanyang adventure and misadventure na siguradong ikababaliw at ikahahagalpak ng madlang pipol.

In fairness, napasabak din sa comedy si Wynwin dahil kailangang sumabay siya sa galing nina Vhong at Tsong Joey.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sey nga ng dalaga sa presscon ng pelikula, hindi naman siya nahirapang mag-adjust pagdating sa pagko-comedy dahil inalalayan daw siya ni Vhong at ng buong produksyon sa kanyang mga eksena. Napakasaya nga raw lagi sa shooting.

Mapapanood na ang “UnliLife” simula sa Aug. 15 sa inyong mga favorite na sinehan bilang bahagi ng 2nd PPP under Regal Entertainment.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending