ITINANGGI ni Sen. Nancy Binay na nais lamang niyang pahiyain si Communications Assistant Sec. Mocha Uson kaya inimbitahan niya ito na ipaliwanag sa Senado ang konsepto sa pederalismo.
Ito ang naging reaksyon ni Binay matapos na batikusin ng mga tagasuporta ni Uson sa social media na nais lamang nitong gawing katatawan sa madla ang opisyal.
Bilang opisyal ng PCOO, paliwanag ni Binay, responsibilidad ni Uson na ipaliwanag sa publiko ang mga isinusulong na programa ng pamahalaan.
Dagdag ni Binay, P90 milyon ang nakalaang pondo sa gagawing pag-ikot ni Uson kaya nais malaman ng Senado na hindi masasayang ang pondo rito.
Iginiit ng senadora, hindi niya gustong pahiyain si Uson pero gusto din nilang malaman kung paano nito ipaliliwanag ang konsepto ng pederalismo sa publiko.
Nag-aalala si Binay na posibleng ibang bersyon ng federalism ang ipakakalat ni Uson kumpara sa bersyon na natanggap ng Senado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.