NABUBUHAY tayo sa panahong napakahirap nang kontrolin ng tao ang kanilang mga emosyon.
Pagkasira ng pamilya dulot ng mga bawal na pakikipag-relasyon. Pagkakasangkot sa mga krimen tulad nang pagpatay dahil sa hindi napigilang galit upang pagdusuhan niya iyon ng habambuhay na pagkabilanggo.
Labis na pag- ibig sa salapi ng mga illegal recruiter at hindi mapigilang pagkamal nito kapalit ng pangloloko sa kapwa.
Ibang-iba na nga ang pag-uugali ng tao ngayon kung ikukumpara noong mga panahon ng ating mga nakatatanda.
Ang kawalan ng pag-ibig sa kapwa ang siyang nagtutulak sa tao na hindi na nga makapag-kontrol at mapigilan ang kanilang mga galit kung kaya nakagagawa sila ng masama.
Tulad na lamang ng OFW sa Saudi Arabia na nakapatay ng kaniyang katrabaho.
Tinawagan ‘anya siya upang pumasok noon sa trabaho gayong day off niya.
Pumasok itong aburido at nakasagutan ang kapwa trabahador na Tunisian.
Nagsuntukan muna nung una hanggang sa napatay niya ito. Gayong nagdedepensa lamang sa sarili ang alibi ng OFW, pero hindi nito mababago ang resulta ng nagawang krimen.
Palibhasa’y hindi rin niya nakontrol ang sarili kung kaya’t nakapatay siya.
Kung tutuusin, maliit na bagay lamang sana ang alitang iyon pero nasa huli ang pagsisisi para sa ating OFW dahil habambuhay siyang magdurusa ngayon sa kaniyang nagawa.
Matindi rin ang ganitong mga situwasyon sa ating mga seafarer. Mas malakas dapat ang kanilang kontrol sa sarili dahil pag masama ang tingin ng lalaki sa kapwa lalaki, iba na ang dating noon sa kanila. Nakakalalaki daw!
Kaya ang mga opisyal ng barko, mahigpit ang babala sa ating mga kababayan. Magpigil sa sarili!! Magpigil ng galit! Magpigil sa pagngangalit.
Dapat ngang kontrolin ang init ng ulo dahil tiyak na maisasapanganib lamang nito ang kanilang mga buhay.
Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM(M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziqHelpline: 0998.991.BOCW E-mail: [email protected]/[email protected]
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.