Sikat na aktres na pakalat-kalat lang noon, sumobra na ang kamalditahan at kayabangan | Bandera

Sikat na aktres na pakalat-kalat lang noon, sumobra na ang kamalditahan at kayabangan

Cristy Fermin - July 30, 2018 - 12:15 AM

KUWENTO at pag-alala ng isang source na nakausap namin, dati raw ay pakalat-kalat lang sa opisina ng isang film production ang isang young female personality, naghihintay ng gagawin niyang proyekto.

Nandu’n lang siya kasama ang kanyang ina, palibut-libot lang sa opisina ng malaking produksiyon, para siyang mangingisda na naghihintay ng mahuhuling project.

Hanggang sa inilunsad na ang kanilang loveteam ng isang guwapong bagets, kinagat ang kanilang tamba-lan, ngayon ay may name na ang young female personality.

At sa pag-angat ng kanyang popularidad ay maraming napansin ang mga empleyado ng produksiyon, napakalaki na raw ng ipinagbago ng young female personality, malaking-malaki talaga.

Kuwento ng aming source, “Maigsi talaga ang memorya ng ibang artista. Mabilis silang pagbaguhin ng popularity na hindi naman nila mapanghahawakan forever.

“Tulad nitong si ____ (pangalan ng young female personality), sobrang laki ng ipinagbago niya nu’ng makatikim na siya ng kasikatan. Dati kasi, e, patambay-tambay lang silang mag-ina sa isang malaking film production.

“Halos araw-araw silang nandu’n, nagpapakita sila para maalala ng mga exe-cutives na kailangan nga pala silang bigyan ng project, ganu’n. Halos du’n na sila nakatira ng mommy niya.

“Okey lang sa kanya ang picture taking, pose lang siya nang pose, walang kaartehan. Kahit yata langaw ang makipag-selfie sa kanya, e, pagbibigyan niya nang wagas na wagas!

“Kapag Tom Jones (read: gutom) na sila, gora lang sila sa isang food chain na malapit sa office ng production, balik na naman sila, para makita sila ng mga e-xecutives.

“Ganu’n lang sila palagi nu’n, pakalat-kalat lang sila sa opisina ng production!” pag-alalang chika pa ng a-ming impormante.

Pero nang magkapa-ngalan na nga ang girl dahil sa matagumpay nilang loveteam ng isang guwapong bagets ay napansin na ng lahat sa opisina ang malaki niyang pagbabago. Hindi na niya kilala ang selfie.

“One time, may nagpapabati lang sa kanya sa video para sa birthday ng isang taga-production na kinukulit-kulit niya nu’ng wala pa siyang name. Aba, iba na ang datingan ng girl!

“Ang sabi niya sa kausap niya, ‘Ano ba, paalis na ako, saka ka naman nagsabi! Saka na lang! Belated na lang, sabihin mo sa kanya!’ Hindi na rin siya nangbabati kapag pumapasyal siya sa office ng production, taas-noo na siya kung maglakad!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Mabait ang ka-loveteam niya, hindi lumalaki ang ulo, hindi nagbabago. Para sa mga taong pinagmamalditahan na niya ngayon, e, wala nang luster ang kanyang pangalan. ‘Yun lang!” pagtatapos na chika ng aming source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, paborito n’yo rin ang kulay red, di ba?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending