Jo Berry umaming nagka-boyfriend na, pero…

By Ervin Santiago July 29,2018
share this

Jo Berry umaming nagka-boyfriend na, pero…

By Ervin Santiago July 29,2018
share this

JO BERRY AT CHERIE GIL

Maluha-luha naman si Jo Berry habang kausap namin pagkatapos ng presscon ng Onanay, “Sobrang nafi-feel ko po ‘yung respeto every day sa taping ‘tsaka inaalagaan talaga nila ako and ‘yung story po, sobrang naniniwala po ako na maraming mai-inspire na tao so sana po subaybayan n’yo.”

Kamusta kaeksena sina Ate Guy ay Cherie Gil? “Hindi naman po ako natakot, more on na-starstruck pero noong nakakausap ko na po sila behind the camera napakabait po nilang tao. Hindi po nila pinaramdam na iba ako or baguhan ako.”

Ano ang advice na ibinibigay sa kanya ng dalawang veteran stars? “Ang sabi po nila huwag daw po ako kabahan kasi doon daw ako papalpak. Hayaan ko lang na maramdaman kung ano yung sinasabi sa akin, tanggapin ko lang. Then yung scenes, saka ako din kung ano yung sasabihin ko damdamin ko rin para galing talaga sa puso yung emotions.”

Tungkol naman sa lovelife, single raw siya ngayon pero nagkaroon na raw siya ng boyfriend noon. Bakit hindi nag-work ang past relationship niya?

“Siguro ‘yun nga kasi wala pa sa mindset ko na talagang pumasok sa relationship na super serious kasi I have a lot of plans pa sa buhay ko. Hindi ko naman sinasabi na sagabal kasi po di ba, may mindset na tayo na ganu’n kapag bata pa tayo.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending