Jaclyn Jose binalaan ang madlang pipol sa sotanghon, pancit na gawa raw sa plastik | Bandera

Jaclyn Jose binalaan ang madlang pipol sa sotanghon, pancit na gawa raw sa plastik

Alex Brosas - July 28, 2018 - 12:25 AM

GALIT na galit si Jaclyn Jose sa China at ang paniwala ng mga netizens ay kontra siya sa bagong upong House speaker.

Sa kanyang Instagram account na hindi na namin mabuksan ngayon ay ipinost ni Jaclyn ang sotanghon at pancit bihon na gawang China na gawa raw pala sa plastic. Ipinakita niya ito sa pamamagitan ng pagsunog.

“MS House speaker paano na? Bilang love mo China. Papatayin mo kami! Eto ka na naman. China ally. Anak ka ng…pusa!!!

“Di kita titigilan tuta ng China. Ano ipapasok mo pa ba sa Pilipinas yan? E mahigit pa sa drugs yan! Bata pinapatay nio/ babalik ka pa? Kapalan ba ng muka itong gobyerno na ito para ibalik ang cheater na yan. Oo matagal na pansit atsotanghon na yan! At iba pa na bulok na gawa ng China.

“Wag na natin tawagin ito na Pilipinas tawagin na lang natin Payatas (sorry po sa taga-Payatas) bundok tayo ng basura. Buti pa basura natin naiibebenta e yung ginagawa ng China kinakain may sakit ka na kita pa sila. Hoy! Kayo na mga na oust pls hayaan nio NA kami na mabuhay ng tama…ang lalakas ng tama nio. Magsama sama kayo sa impierno ksama ang mga ginto nio!!!”

Nagtalu-talo ang netizens sa isang popular website. Pinatutsadahan si Jaclyn na kahit pansit at sotanghon ay nasusunog talaga at hindi ibig sabihin noon ay plastic ang mga ‘yon.
But there are those who saw Jaclyn’s point.

“Actually matalinghaga si Ate Jaclyn. Ang pinapasaringan niya ay ang bagong speaker of the house na mas malapit din sa China. Magaling kaya siya mag-isip dahil advance. Diba may point siya? Na yung binebentang basura ng China ay ang papatay sa atin. Tayo ay namamatay at ang mga intsik ay kumita pa.”

“She has a point. Hindi lang maganda pagkakapresent nya. But the message is clear.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending