Jo Berry natakot, nahiya kina Ate Guy at Cherie Gil | Bandera

Jo Berry natakot, nahiya kina Ate Guy at Cherie Gil

Jun Nardo |July 28,2018
facebook
share this

Jo Berry natakot, nahiya kina Ate Guy at Cherie Gil

Jun Nardo - July 28, 2018 - 12:30 AM

PHENOMENAL ding matatawag ang bida sa bagong Kapuso drama series na Onanay na si Jo Berry.

Unknown talagang masasabi ang dalaga and yet, heto siya’t lead actress na agad sa Onanay at makakasama pa niya ang magagaling na senior stars gaya nina Nora Aunor at Cherie Gil, huh!

Tunog foreign ang kanyang surname dahil ang father niya ay half-Spanish at half-American. Namana niya ang kanyang height sa kanyang ama.

Sa apat na magkakapatid dalawa silang may bone disorder o Achondroplasia na naging dahilan kung bakit hindi na siya lumaki.

Nalakabas na siya sa isang episode ng Magpakailanman at doon nga siya napanood ng writers ng GMA hanggang sa mabuo ang konsepto at kuwento ng seryeng Onanay.

Ayon kay Jo nang ma-interview ng member ng entertainment press sa mediacon ng nabanggit na Kapuso drama, nag-aartista na rin daw sa international movies ang tatay niya.

“So sabi ko, gusto ko ring marating ‘yon dahil ayokong dumating sa point ng buhay ko na lagi lang akong shy,” ang sabi pa ni Jo Berry.

Ano ang feeling ngayong full-pledged na siyang artista?

“Hindi pa po nagsi-sink in sa akin. Overwhelming din na si Ms. Nora ang kasama ko. Una, nahiya ako pero nu’ng magtrato sa akin na para niya akong anak, naisip ko kasi na may ibang treatment kasi superstar, pero ang bait niya po sa akin,” saad pa niya.

Naloka ba siya nang tarayan siya ni Cherie Gil sa ilang maiinit nilang eksena sa Onanay? “Natakot ako pero sa show lang. Pero mabait si Miss Cherie at dapat lang talaga wag kabahan para magawa ko nang tama ‘yung mga eksena!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“More on starstruck ako kasi pag kinakausap nila ako, more on support ang payo nila sa akin,” bulalas pa ni Jo.

Lalabas namang lover ni Jo sa serye si Adrian Alandy habang sina Mikee Quintos at Kate Valdez ang mga magiging anak niya sa kuwento. Mula ito sa direksyon ni Gina Alajar at magpapaiyak na simula sa Aug. 6 sa GMA Telebabad.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending