Kris nakabisado ang mga kanta ni Willie dahil kay Joshua | Bandera

Kris nakabisado ang mga kanta ni Willie dahil kay Joshua

Cristy Fermin - July 25, 2018 - 12:01 AM

LINGGO nang tanghali, bumibiyahe na kami pauwi sa Maynila, nang tumawag sa amin si Willie Revillame. Gusto raw niyang dalawin si Josh, ang panganay ni Kris Aquino na naospital, kailangan daw niyang makita si Kuya Josh.

Sa mga hindi pa nakakaalam, minsan ay nagkuwento si Kris na habang bumibiyahe silang mag-iina ay kuliling-kulili na ang tenga ng aktres-TV host dahil sa mga kanta ni Willie Revillame na paulit-ulit na pinatutugtog ni Josh, kahit nga raw ito ay kabisado na ang mga lyrics at tono ng mga piyesa ni Willie.

Alam ‘yun ni Willie, ibinabalita sa kanya ni Kris kung gaano kasuportado ni Josh ang kanyang mga kanta, kaya napakalapit sa kanyang puso ng kuya ni Bimby.

“Nu’ng isang araw ko pa sana siya gustong dalawin, pero hindi muna ako nagpunta. Nalaman ko kasi na hindi pa siya puwedeng dalawin, tuloy pa ang gamutan, kaya nagpalampas muna ako nang dalawang araw. Mahal na mahal ko ang magkapatid, lalo na si Josh, dahil kapag may taping nu’n si Kris ng show niya, e, nasa akin sila.

“Nandu’n sila sa dressing room ko, kumakain sila du’n, naglalaro, kabisado nga ni Josh ang mga kanta ko, e! Kaya hindi ako makapapayag na hindi madalaw si Josh,” kuwento ni Willie.

Meron silang pinag-usapan ni Kris tungkol sa trabaho. Wala pang sinasabi si Willie tungkol du’n pero siguradong may niluluto silang proyekto.

Basta!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending