Palasyo dismayado sa kabiguan ng Kamara na maratipikahan ang BOL
DISMAYADO ang Palasyo sa kabiguan ng Kamara na maratipikahan ang Bangsamoro Organic Law (BOL) matapos naming tiyakin ng Malacanang na mapipirmahan ito bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte.
“We find it unfortunate that the Bangsamoro Organic Law (BOL) was not ratified before the adjournment of today’s session of the House of Representatives,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
Nauna nang tiniyak ni Roque na pipirmahan bilang ganap na batas ni Duterte ang BOL bago pa man ang kanyang nakatakdang SONA matapos namang matapos itong lumusot sa bicameral conference committee.
“We consider this as a temporary setback in the administration’s goal of laying the foundation for a more genuine and lasting peace in Mindanao. We, however, remain confident that President Rodrigo Roa Duterte will sign the Bangsamoro Organic Law as soon as both houses of Congress finally ratify the bill,” dagdag ni Roque.
Sa kabila ng kabiguan ng Kamara, naratipikahan na ang BOL ng Senado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.