Viral Jeepney Bae kikilalanin ni Jessica Soho | Bandera

Viral Jeepney Bae kikilalanin ni Jessica Soho

|July 22,2018
facebook
share this

Viral Jeepney Bae kikilalanin ni Jessica Soho

- July 22, 2018 - 12:45 AM

NGAYONG Linggo, iimbestigahan ng Kapuso Mo, Jessica Soho ang kaso ng isang dalagang may parasitic twin at ang katotohanan sa gold bar scam.

Katorse anyos na si Veronica pero ngayon lang nabunyag sa kanilang mga kapitbahay sa Iligan City na meron pala siyang kakambal. Hindi ito buhay pero kasa-kasama pa rin niya ito araw-araw. Ang ilang bahagi ng kanyang kakambal, nakadikit sa kanyang katawan. Si Veronica pala ay may parasitic twin!

Paano kung isang araw may tumawag sa iyo at nagsabing napanaginipan daw ang iyong numero?

Ang pakay nila, magpapatulong sa iyong ibenta ang bulto-bulto raw nilang gold bar. At bilang kabayaran sa iyong pagtulong, libre ka nilang bibigyan ng isang gold bar na posibleng nagkakahalaga ng P26 million. Magpapasilaw ka ba?

Mistulang sinasapian si Nanay Josephina sa hindi mapigilang panginginig ng kanyang buong katawan na sinasabayan pa nang kanyang paghiyaw. Sa kabila nito, pinipilit pa rin ni Nanay Josephina lumaban para magampanan ang kanyang mga tungkulin bilang ilaw ng tahanan. Ano at hanggang kailan siya pahihirapan ng kanyang karamdaman?

Kilalanin din ang Jeepney Bae na nagpapakilig ngayon sa netizens. At epektib ba ang tips ni Mark para maging bae mula sa pagiging bae-ngungot?

Humanda na rin sa putok-batok aligue recipes mula Pampanga hanggang Negros Occidental. Huwag palampasin ang KMJS ngayong Linggo, pagkatapos ng The Clash, sa GMA.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending