Aktor-politiko inireklamo sa pangakong CCTV, nagtatago raw | Bandera

Aktor-politiko inireklamo sa pangakong CCTV, nagtatago raw

Cristy Fermin - July 21, 2018 - 12:15 AM

MARAMING nasasakupan ngayon ng isang aktor-pulitiko ang nagrereklamo dahil sa kanyang mga pangako nu’ng panahon ng kampanya na nananatiling napapako.

Nu’ng nasa entablado pa kuno ng kampanyahan ang aktor-pulitiko ay kulang na lang niyang ipangako na ipae-aircon niya ang kanilang lugar dahil sa dami ng kanyang mga pangako.

Pero pagkatapos niyang makuha ang tiwala ng kanyang mga constituents at ilang buwan pagkatapos niyang manalo ay para na siyang nagtatago.

Kuwento ng aming source, “Naku, lahat na yata ng OPM, e, sinabi niya sa stage nu’ng panahon ng campaign. Ang dami-dami! Kesyo palalagyan daw niya ng CCTV ang lahat ng mga kalye sa distrito nila, kaya tuwang-tuwa naman ang mga bontante sa lugar nila!

“Kung forty five days na tumakbo ang kampanya, ganu’n din karaming beses niyang inilitanya ang mga pangako niya kuno para sa tinakbuhan niyang lugar.

“Pero nu’ng manalo na siya, e, ‘yun na! Mahirap na siyang hanapin, hindi na siya matagpuan ng mga nasasakupan niya, nawawala na siya!” simulang kuwento ng aming source.

Heto na ang chika. Dahil marami nang nagaganap na nakawan sa isang subdivision na nasasakupan ng aktor-pulitiko ay humingi sila ng tulong sa kanilang ibinotong kandidato.

“Nakipag-usap naman siya sa mga leaders ng subdivision, hindi raw niya kakayaning mag-isa ang hinihiling na CCTV ng kanyang mga botante, kaya maghati na lang sila. Pumayag naman ang mga kausap niya.

“Kumilos na ang grupo, may kinausap na silang magkakabit ng CCTV sa kanilang subdivision, pero ang problema, ang ka-share na halaga naman ni ____ (pangalan ng actor-politician) ang wala pa!

“Ilang follow-up na ang ginagawa nila, pero wala pa rin ang kahati nila sa gastos, napakahirap kunong hanapin at kausapin ng kanilang konsehal.

“Siguro, kaya siya lumipat ng ibang city, e, dahil ganyan din ang nangyayari nu’n sa dati niyang lugar. Sayang na tiwala, hindi niya naman tinupad ang mga pangako niya nu’ng kampanyahan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Napapanood pa naman siya ngayon sa isang variety show, namimigay pa sila ng datung sa segment niya, pero hindi niya naman hinaharap ang mga pangako niya sa mga constituents niya.

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, pangaralan n’yo nga ang actor-politician na ‘yan na ipinaglihi sa OPM!” pagtatapos na chika ng aming impormante.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending