Angel, Kim pinatunayan ang pagmamahal kay Tetay | Bandera

Angel, Kim pinatunayan ang pagmamahal kay Tetay

Ervin Santiago |July 21,2018
facebook
share this

Angel, Kim pinatunayan ang pagmamahal kay Tetay

Ervin Santiago - July 21, 2018 - 12:10 AM

MULING pinatunayan nina Angel Locsin at Kim Chiu ang respeto at pagmamahal nila sa kanilang ate na si Kris Aquino. Nagpa-block screening kasi ang dalawang aktres para sa “I Love You, Hater” bilang pagsuporta nila sa comeback movie ni Tetay.

Sa kanyang IG account, ipinost ni Kris ang litrato nila nina Angel at Kim kasama si Bimby at si Julia Barretto.

Nilagyan ito ni Kris ng caption na: “I could not ask for more. HINDI AKO NAGKAMALI SA MGA MINAHAL KO. Kahapon sa gitna ng nerbyos dahil sa pagdadaanan ni kuya josh, @therealangellocsin & @chinitaprincess back to back ang text & viber sa kin na may pinlano daw sila for me. Sa effort nila for me, @igisellle & @juliabarretto – we feel so #loved…

“Opo sa mundo namin na madalas kaming husgahan kahit hindi kami personal na kilala, marami pong totoong nabubuong pagiging MAGKAIBIGAN…kapag tinatanong kami nila kuya & bimb kung ano ang na mi-miss namin sa hindi na pagiging KAPAMILYA- ito po yung totoo- yung mga tinuring akong ATE nila- sila po ang sobrang nakaka MISS, yung writers & producers ko lalo na po sa TALK unit, yung mga cameramen ko sa Kris Tv, si @kbrosas & si @itspokwang27, ang Ninong Deo, Ninong Boy, and Ninang Cory ni Bimb. Hindi nabubura yung 20 years of beautiful memories na naibigay sa kin nung naging bahagi po ako ng ABS-CBN… so sa mga followers ko dahil sa naramdaman kagabi dahil sa nagawa ni tito Noy para kay josh- OKAY na po ako na minsan ang pagiging kapamilya ang tumupad ng lahat ng pinangarap ko. Sabi nga ni Sasha: We cannot force someone to love us, but we can choose to force ourselves to keep on loving. AND I CHOOSE LOVE. #satruelang!”

q q q

Bago makarating sa pa-block screening nila ni Angel si Kim para sa “ILYH”, nabangga pala ang kanyang sasakyan ng isang bus.

Sa kanyang Instagram Stories, ibinalita ni Kim na sobrang na-stress siya sa kinasangkutang aksidente dahil ayaw umanong makipag-cooperate ng bus driver. Walang nasaktan sa pangyayari at umabot pa rin si Kim sa screening ng “I Love You, Hater.”

“OMG! Binangga kami! Ayaw pa magbigay ng driver’s license and company ID nung driver. Baka naka colorum ‘yung bus nila! LTO, please do something to this kind of bus company!” pakiusap ni Kim sa kanyang IG post.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending