PCOO expenses lumobo noong 2017 | Bandera

PCOO expenses lumobo noong 2017

Leifbilly Begas - July 20, 2018 - 04:27 PM

LUMOBO ang gastos ng Presidential Communications and Operation Office noong 2017, ayon sa datos ng Commission on Audit.

Batay sa 2017 audit report, gumastos ang PCOO ng P162.3 milyon sa biyahe malayo sa P30.1 milyon na ginastos noong 2016.

Noong nakaraang taon ay P119.9 milyon ang ginastos sa local trip malayo sa P14.9 milyon noong 2016.
Ang foreign trip ay ginastusan naman ng P42.3 milyon malayo sa P15.1 milyon sa naunang taon.

Ang Communication Expenses naman ng ahensya ay umakyat sa P99.6 milyon mula sa P13.7 milyon.
Kasama sa ginastusan ang P268,875 para sa Postage and Courier Services na umakyat mula sa P162,306.10.

Ang Telephone Expenses naman ay umakyat sa P7.8 milyon mula sa P5.8 milyon.

Ang Cable, Satellite, Telegraph and Radio Expenses ay umakyat sa P11.3 milyon mula sa P5.4 milyon.
Ang Professional Services naman ay lumobo sa P38.2 milyon mula sa P23.9 milyon. Ito ang ipinambabayad sa mga consultant.

Kasama sa ginastusan ng PCOO noong 2017 ang idinaos na ASEAN Summit.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending