Pagkababae hindi nasusukat sa virginity | Bandera

Pagkababae hindi nasusukat sa virginity

Beth Viaje |July 18,2018
facebook
share this

Pagkababae hindi nasusukat sa virginity

Beth Viaje - July 18, 2018 - 12:10 AM

DEAR Ateng Beth,

Kamusta ka na? Salamat sa mga payo mo. Nababsa ko lahat ng payo mo at nakakatuwa dahil marami kang natutulungan na mga shonga sa love, na kagaya ko.

Kaya nga nagkaroon na ako ng lakas ng loob na sumulat sa iyo.

Student po ako sa isang university dito sa Maynila. May boyfriend po ako ngayon, at ang BF ko po ang problema ko.

Three years na po kami. Since first year po ay kami na. May nangyari na sa amin. At dahil sa may nangyari na sa amin kaya siguro hindi na ako makabitaw sa kanya kahit feeling ko ay hindi ko na siya love.

Natatakot kasi ako na baka wala nang tumanggap sa aking ibang lalaki pag sakaling nalaman niya na hindi na ako virgin. Ano bang gagawin ko kung wala na akong nararamdaman sa BF ko ngayon?

Myra, Sampaloc, Manila

Hello, Myra!

Sa tanong mo kung kamusta na ako? OK naman kanina until na nabasa ko ang kabuuan ng sulat mo.

At ayun na nga, nasira na ang araw ko!

Ano ba naman Myra?! Twenty first century na tayo ngayon pero naiwan ka sa paniniwala na ang kahalagahan ng isang babae ay ang kanyang pagkabirhen?!

Hallleeerrr? Ilang daang taon ka bang natutulog, Maria Clara?

Una, bakit kasi ipinasira sa boyfriend ang virginity gayong ang taas naman pala ng takot mo? Iyan lang ba talaga ang lalaking nanligaw sa iyo kaya sa kanya mo na pinaikot ang mundo mo?

So, ano pala ngayon ang nangyayari nagpapatuloy kayo ng chuva chenes kahit hindi mo na mahal si boypren, ganern?

So paano na lang kung nabuntis ka? Papakasal ka kasi feeling mo wala ng magmamahal at seseryoso sa iyo at sa anak mo after ng present boyfriend mo?

Ano ba‘ng usually nangyayari kapag hindi na tayo interesado sa ibang bagay? Di ba hinahayaan na lang nating pakalat-kalat, mabagsak, madaganan hanggang sa eventually pasikip na ito at itatapon na natin.

Parang ganon din sa tao, di ba? We start to take them for granted. Wala na tayong pakialam masaktan man sila, ma leave out sa mga plano natin o mabalewala natin.

I suggest makipag-usap ka kay boyfriend. Tapatin mo siya sa kung anong nararamdaman mo. Maging handa ka nga lang sa reaksyon niya. Maging handa kang magalit siya, masaktan at magwala (wag ka lang niyang pipisikalin at ibi-verbal abuse, iba na yon!)

At utang na loob, ayusin mo ang sarili mo at itama mo ang kukote mo sa pag iisip na ang iyong pagkababae ay nakasalalay sa iyong virginity.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May problema ka ba sa puso o relasyon sa asawa o BF/GF, sa pag-aaral at kung ano-ano pa, maaring mag email kay Ateng Beth sa [email protected] o mag-text sa 09989558253.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending