MALAKI umanong tulong ang grievance machinery ng National Conciliation and Mediation Board (NCMB) para sa mapayapang pagsasaayos ng hindi pagkakaunawaan sa lugar-paggawa at ang pagpapatibay ng relasyon sa pagitan ng manggagawa at mamumuhunan.
Ani Labor Secretary Silvestre Bello III: “Ang grievance machinery ay isang sistematikong pamamaraan para sa mapayapang pag-resolba ng di-pagkakaunawaan sa paggawa. Ito ay nagsisilbing daan ng komunikasyon para sa mga partido, at nagbibigay oportunidad para sa mangggagawa upang ipahayag ang kanilang mga alalahanin.”
Dahil sa grievance machinery sa buong bansa, aabot sa 3,707 o 97 porsiyento n mga notice of strike and lockout ang napigilin simula Enero.
Layon ng grievance machinery ang maayos na dayalogo sa pagitan ng manggagawa at mamumuhunan bilang isang paraan upang mapanatili ang kaayusan sa industriya.
Sa ilalim ng alternative dispute settlement mechanism, ang bawat empleyado ay may oportunidad na marinig upang tugunan ang kanilang mga reklamo na nakakaapekto sa morale ng empleyado at nakababawas sa kanilang pagiging produktibo sa trabaho.
Sa ilalim ng Article 260 ng Labor Code, kinakailangang magtatag ang partido ng grievance machinery para sa pagresolba ng mga reklamo na nagmumula sa interpretasyon o implementasyon ng collective bargaining agreement o ang interpretasyon o pagpapatupad ng company personnel policy.
Nitong Hunyo 30, 2018, pinalakas ng DOLE ang operasyon ng 1,177 GM sa buong bansa.
Maliban sa grievance machinery, pinalakas din ng labor department ang operasyon ng Labor Management Cooperation sa mga kompanya sa pamamagitan ng convergence program ng National Wages and Productivity Commission, Occupational Safety and Health Center, Employees’ Compensation Commission, at Bureau of Workers with Special Concerns.
National Conciliation and Mediation Board (NCMB
Information and Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.