Robin galit na galit sa kumalat na Pinas-China propaganda: Napakalaking katrayduran…nakakabobo!
ANG haba ng reaction ni Robin Padilla sa controversial tarpaulins na nagkalat lately which said: “Welcome to the Philippines, province of China.”
“Bukod sa Katangahan ay Isang napakalaking KATRAYDURAN ang propaganda na ito ng mga taong nais bahiran ng Pulitika ang gumagandang relasyon ng Inangbayang Pilipinas at ng ninunong China.
“Marahil iisipin natin na mga pulitikong pabor sa Amang Amerika ang nakaisip nito? Maaaring mga pulitiko rin na pabor naman sa Ninunong Europa? Mahirap magbintang! Masama yun! Baka rin naman mahilig lang magpatawa ang gumawa nito eh napakaraming nagiging komedyang pulitiko lalo kapag papalapit na ang eleksyon.
“Ang Pag ibig sa Bayan ay hindi nasusukat sa mga ganitong paandar! Halatang walang alam sa kasaysayan at katotohanan ang nag isip nito, ika nga sa salitang inglis ay isa itong Stupid Joke! Nakakatawa pero Nakakabobo! Wala ka man lang natutunan sa Patawang Political Statement na ito.
“Mga mahal kong kababayan ayon sa mga ebidensya ng archeology at anthropology ang ating pinagmulan na lahi ay Austronesian. Magkamag anak na talaga ang kultura natin ng ninunong China bago pa dumating ang ninunong Europa at salinan tayo ng kanilang kultura.
“Hindi pa dumarating ang mga dayuhang Puti ay meron na tayong trade at political relationship sa Ninunong China. Katunayan ay 65 percent ng mga Pilipino sa ngayon ay may Chinese Ancestry bago pa ang Spanish, European, American, Japanese atbp. Malapit ang relasyon natin pero HINDI tayo probinsya ng Ninunong China! Tayo ay isang malayang Bansa at malayang mamamayan. Ang sigalot sa South China Sea/West Philippine Sea ay dulot ng mga maling desisyon ng mga nagdaang gobyerno!
“Una sa paghandle ng North Borneo, pangalawa sa Spratlys, pangatlo itong Scarborough Shoal na ayon sa A-1 information ay binili mismo ng ninunong China sa mga local governments ng Pilipinas ang mga lupang ginamit nila sa pagtatayo ng air strip at military base sa mga isla na pinag aagawan. Panahon po ito noong nakaraang administrasyon.”
That said, sinisi ng lead star ng Sana Dalawa Ang Puso ang nakaraang administrasyon sa controversial tarpaulin.
Anyway, sa Sana Dalawa Ang Puso ay buong pusong ibinigay ni Leo Tabayoyong (Robin) ang kanyang permission na si Martin (Richard Yap) ang mag-train kay Lisa (Jodi Sta. Maria).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.