I-text kay Madam Sophia (July 01, 2013) | Bandera

I-text kay Madam Sophia (July 01, 2013)

Madam Sophia - July 01, 2013 - 02:16 PM

Mula kay Justin ng Sangkahan Road, Tacloban City. February 16, 1989 ang birthday ko at June 10, 1992 ang girlfriend ko. Compatible ba kami at kami na ba ang mag-kakatuluyan?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong February 16, 1989 at June 10, 1992 naman ang girlfriend mo, compatible kayo at kayo na nga ang magkakatuluyan.
>>>
Mula kay Nenita Santillan ng Grace Pak, Caloocan City. September 19, 1979 ang birthday ko. Dati na po akong nakapag-abroad, at nag-aaplay po ako uli sa ngayon, itatanong ko lang kung matutuloy ba ako sa taong ito ng 2013 at magiging maganda naman kaya ang mapapasukan kong employer sa abroad.
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong September 19, 1979 muli kag makapag-aabroad at paulit-ulit kang makapag-lalakbay, ang dapat mo lang ingatan ay ang mga maling relasyon, dahil ang mangyayari sa iyong kapalaran, magiging okey sana at tagumpay ang iyong career, pero sisirain o guguluhin ito ng ibat-ibang mga mali at hangal na relasyon hanggang sa ma-disturb ang career mo. Kaya kapag may maganda kang career, dapat mag-ingat ka sa hangal na relasyon upang magtuloy-tuloy ang maganda mong suwerte at pag-unlad sa aspetong pang career at pang materyal na bagay.
>>>
Mula kay Angielyn ng Dilopog City. June 5, 1992 ang birthday ko. Sinu-sino po ba ang ka-compatible ko?
Tugon ni Madam Sophia: Ka-compatible ng birthday mong June 5, 1991 ang isang Aquarius, Libra, Sagittarius at kapwa mo Gemini higit lalo silang isinilang sa petsang 9, 18, 27, 5, 14, 23, 8, 17 at 26.
>>>
Mula kay  Lorie ng …1569. April 20, 1989 ang birthday ko, 3 years na kami ng boyfriend ko na isinilang nuong September  16, 1987. Ka-compatible ko po ba siya at kami na po ba ang magkakatuluyan?
Tugon ni Madam Sophia:  Ayon sa birthday mong April 20, 1989 at September 16, 1987 naman ang boyfriend mo, compatible kayo at kayo na nga ang magkakatuluyan.
>>>
Mula kay Joan Lanuza ng Baguio City. October 6, 1987 ang birthday ko. Kukuha po ako ng CPA board exam sa susunod na taon 2014, makakapasa na kaya ako. Bale pang–take two ko na toh.
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong October 6, 1987 tiyak na makakapasa ka na sa take two basta’t magsuot ka lang ng kulay na red o kaya’y asul na damit. Sa ganyang paraan sa susunod na taon 2014 magiging ganap na Certified Public Accountant ka.   

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending