Liza may naisip ng pangalan para sa magiging baby nila ni Enrique
MAY naisip ng pangalan si Liza Soberano kung sakaling magkaroon na sila ng baby ng kanyang rumored boyfriend na si Enrique Gil.
Sa Instagram Stories ng kanyang co-star sa Bagani na si Dimples Romana, tinanong ng magaling na aktres si Liza kung ano ang ibibigay niyang name sa magiging anak nila ni Enrique.
Natatawang sagot ni Liza, “Enrique,” sabay tawa. At kung babae naman daw ay papangalanan nila itong “Enriqueta.”
Hirit naman ni Dimples, “Grabe very creative, I love it.”
Kuha ang nakakatuwang IG video interview ni Dimples kay Liza sa taping ng kanilang fantasy series na Bagani sa ABS-CBN. Kasama rin nila rito sina Makisig Morales, Matteo Guidicelli at Zaijian Jaranilla.
Kamakailan ay nag-post naman si Liza ng litrato nila ni Enrique kung saan parang inamin na rin niya na magdyowa na sila ng binata, kaya naman kilig na kilig ang kanilang mga fans.
Tungkol naman sa Bagani, tuluy-tuloy pa rin ang maaaksyon at madadramang eksena sa Kapamilya serye. Tutukan kung anu-ano pa ang mga haharaping laban at pagsubok ng mga bagani sa pangunguna nina Lakas at Ganda.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.