Matthysse kampante kontra Pacquiao | Bandera

Matthysse kampante kontra Pacquiao

Inquirer.net - July 11, 2018 - 12:16 AM

HABANG papalapit ang laban nina Manny Pacquiao at WBA welterweight champion Lucas Matthysse ng Argentina ay lalong nag-iinit ang paligid ng Kuala Lumpur, Malaysia kung saan gaganapin ang kanilang title fight.
Llamadong maituturing ang 35-anyos na kampeon sa labang ito at kampante siyang magwawagi sa kanilang sagupaan sa darating na Linggo sa Axiata Arena.
“I’ve been preparing for this (fight). I feel like Malaysia’s my home. I feel happy to be here,” wika ni Matthysse ayon sa kanyang interpreter.

“We trained really, really hard for this fight. I feel comfortable here in Malaysia so I’m ready to give my best.”
Naunang dumating sa Kuala Lumpur ang Argentinian champion noong Huwebes mula Los Angeles, California habang si Pacquiao ay dumating Lunes ng gabi lulan ng isang chartered flight mula Gen. Santos City.
“I’m 100 percent confident,”dagdag pa ni Matthysse.
Hindi naman padadaig ang kampo ni Pacquiao.
Sa katunayan ay nagbanta ang kanyang chief trainer na si Buboy Fernandez ng isang bagyong darating sa Linggo.
“Abangan nila yung pagbabalik ng storm from the Pacific. Antayin nila. Kung lumihis man yun bagyo na pumasok sa Pilipinas, ito talagang papasok,” sabi ni Fernandez.
Naniniwala si Fernandez na nagbalik na kay Pacquiao ang dati niyang lakas at liksi at sa darating na linggo ay maaagaw ng 39-taong-gulang na Senador ng Pilipinas ang korona ng kalaban.
Hindi rin umano malayo na magwawagi si Pacquiao sa pamamagitan ng knockout.
Huling nanalo ng knockout si Pacquiao siyam na taon na ang nakalilipas laban kay Miguel Cotto.
At sa kanyang huling siyam na laban ay limang beses lamang siyang nanalo.
Ang huling laban niya ay tinalo siya sa isang kontrobersyal na desisyon kontra Jeff Horn noong isang taon sa Brisbane, Australia. —Inquirer.net

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending