Maine sa 3 taon sa showbiz: Hindi pala mali ang magkamali at magpakatotoo! | Bandera

Maine sa 3 taon sa showbiz: Hindi pala mali ang magkamali at magpakatotoo!

Jun Nardo |July 11,2018
facebook
share this

Maine sa 3 taon sa showbiz: Hindi pala mali ang magkamali at magpakatotoo!

Jun Nardo - July 11, 2018 - 12:01 AM

MAINE MENDOZA AT ALDEN RICHARDS

BINANATAN ni Maine Mendoza ang kantang “While My Guitar Gently Weeps” sa nakaraang Mainelandia Fair 2018 na inorganisa ng fans para sa kanyang 3rd anniversary celebration sa showbiz.

Kanta ito ni George Harrison ng sikat na sikat na grupong The Beatles.

Hindi man nakilalang singer, aprubado naman sa fans niya ang kanyang pagkanta. “You did great @mainedcm. We have nothing but love and support for your,” tweet ng isang fan.

Sa isang video, naghayag si Meng ng nararamdaman niya habang kaharap ang kanyang supporters.

“Hindi niyo alam ‘yung kaba ko na nararamdaman everytime na makakasama ko kayo at nagpi-perform ako. Eh kasi hindi pa talaga ako sanay to be honest. Kahit sabihin niyong araw-araw akong humaharap sa kamera, sa mga tao sa barangay.

“Pero iba pa rin kasi kapag nasa entablado ka tapos, nakikita mo ang mga tao. ‘Yan, nakataas mga cellphone. Tapos, lahat pinagmamasdan ang kilos mo. Tapos, pinakikinggan ang mga sinasabi mo.

“Parang nakakatakot magkamali. Parang ang hirap magkamali. Ganoon ang pakiramdam. For sure, lahat ng nagpi-perform sa stage, ganoon ang nararamdaman once nakikita na nila ‘yung crowd at audience. Nakatingin sa kanila.

“Pero since sini-celebrate natin ang third year ko, isa rin sa natutunan ko sa loob ng three years ay ‘yung hindi naman pala mali magkamali! Hindi naman masama o mali na magpakatotoo ka sa mga taong nasa harap mo.

“Hindi ko kasi alam. ‘Yung iba may notion na pag artista, kailangan perpekto ka. Kailangan maganda ka. Kailangan magaling ka sa ganito, sa ganyan. Magaling sa lahat.

“Pero hindi ganoon eh. Kasi tao lang din naman. Sila, kami, tao lang din naman. So hayun. Ang dami kong sinabi, no? Pero kinakabahan talaga ako guys so ipagpaumanhin ninyo kung mag-fail man ako, magkamali sa kanta ko,” pahayag ni Meng.

Sa susunod na araw, ang anniversary naman ng AlDub loveteam ang tututukan ng AlDub Nation.

Sa mga nagtatanong kung bakit wala sa event si Alden Richards, nasa ibang bansa siya para sa taping ng upcoming series ng GMA na Victor Magtanggol, yan ay ayon mismo sa staff ng programa.

Para naman sa mga sumusubaybay sa kaganapan sa VM, inihayag na ng GMA ang ilan pa sa mga makakasama ng Pambansang Bae sa star-studded cast ng serye.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nandiyan sina John Estrada, Coney Reyes, Al Tantay, Benjie Paras, Chynna Ortaleza, Dion Ignacio, Pacho Magno, Freddie Webb, Maritoni Fernandez, Kristoffer Martin, Lucho Ayala, Kevin Santos, Michelle Dee, Sheena Halili, Christian Bautista, Reese Tuazon at Conan Stevens.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending