NAKAPASOK na sa Philippine Area of Responsibility ang bagyo na tinawag na Gardo.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration posibleng sa Miyerkules ay lumabas na ng PAR ang bagyo na patungo sa China.
Kaninang umaga ay hindi naramdaman ang epekto ng bagyo dahil malayo ito sa lupa subalit sinabi ng PAGASA na maaari nitong palakasin ang Hanging Habagat na magpapaulan sa malaking bahagi ng Luzon.
“GARDO may enhance the Southwest Monsoon (Habagat) which will bring monsoon rains over MIMAROPA and Western Visayas, and occasional rains over Metro Manila, CALABARZON, Bicol Region, Zambales, Bataan, and Aurora until Tuesday,” saad ng PAGASA.
Kaninang umaga ang bagyo ay nasa layong 1,165 kilometro sa silangan ng Basco, Batanes. Ngayong umaga ang bagyo ay tinatayang nasa layong 645 kilometro sa Basco.
Umuusad ito sa bilis na 30 kilometro bawat oras pa-kanluran-hilagang kanluran. Ang bilis ng hanging dala nito ay umaabot sa 200 kilometro bawat oras at pagbugsong 245 kilometro bawat oras.
Para maging supertyphoon category ang bagyo ay dapat may hangin na umaabot sa 220 kilometro bawat oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.