Mayabang na female celeb tinawag na 'walking jewelry box' | Bandera

Mayabang na female celeb tinawag na ‘walking jewelry box’

Cristy Fermin |July 09,2018
facebook
share this

Mayabang na female celeb tinawag na ‘walking jewelry box’

Cristy Fermin - July 09, 2018 - 12:15 AM

HINDI gusto ng kanyang mga katrabaho ang isang female personality na akala mo mapagkumbaba pero sagana sa kayabangan at kaangasan. Iba ang kanyang mga sinasabi kesa sa kanyang mga ginagawa.

Sabi ng kanyang mga dating kaibigan, kasi raw ay ngayon lang siya nakatikim ng maayos na buhay, kaya hindi niya kayang i-handle ang mga biyayang dumarating sa kanya.

Kuwento ng isang source, “Dati na siyang mayabang, kaya lang, hindi siya nagkakaroon ng opportunity na ilabas ‘yun dahil purita pa lang siya. Pero dati na siyang ganyan!

“Ngayon na lang ‘yun napapansin ng marami ngayon, kasi nga, may chance na siyang makapagyabang, di ba? E, ano naman ang ipagyayabang nu’n, e, walang-wala pa naman siya?

“Pautang-utang lang siya sa mga kaibigan niya, may mga inaabala siyang tao para lang makapangutang, kaya hindi siya puwedeng magyabang!” simulang chika ng aming impormante.

Pero iba na nga ang estado ng kanyang buhay ngayon, marami na siyang datung, kayang-kaya na niyang makapagyabang sa kanyang mga dating katrabaho.

“Nakakaloka ang babaeng ‘yun! Para lang niya maipagyabang ang mga alahas niya, e, akala mo chopsuey ang mga jewelry niya! Halu-halo, samut-samot, para lang masabing marami na siyang nabibiling alahas!

“Ang hikaw niya, e, diamond, ang singsing niya, e, pearl, meron pa siyang mga suot-suot na alahas na may iba-ibang kulay sa ibang fingers niya. Naku, nakakaloka siya, makapagyabang lang, e, ginagawa na niyang display area ng mga jewelry ang katawan niya.

“Naku, huwag na huwag siyang magpapakita sa mga artistang may alam tungkol sa pagsusuot ng mga alahas at baka mapahiya siya nang harap-harapan!

“Baka magkita sila ng isang female personality na sangdamakmak ang mga alahas na nagkakahalaga nang milyones, huwag, dahil baka turuan siya kung paano magsuot ng mga alahas!

“Baka sabihin pa nu’n sa kanya, ‘Girl, what are you doing to yourself? Are you a walking jewelry box?’ Kasi nga, hindi siya marunong magternu-terno ng mga alahas na isinusuot niya!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Totoo, maganda ang buhay niya ngayon, pero hindi nagbibigay ng lisensiya ang maganda niyang buhay sa pagmamayabang niya!” natatawa pang pagtatapos ng aming source.

Naku naman, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, mauupo pa ba naman kayo ngayon sa Row 4 na katabi ang mabantot na basurahan?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending