MATUTUTUNAN ni Janella Salvador kung paano muling mahahanap ang “magic” sa kanyang buhay sa kabila ng trahedya at mga pagsubok sa isa na namang espesyal na episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado.
Malaking bahagi ng buhay ni Rosela (Janella) ang magic dahil ito ang naging bonding nila ng kanyang tatay na si Ruperto (Tirso Cruz III) mula pa noong bata siya. Ngunit nang mamatay ang ama, tila nawala na rin ang magic sa buhay niya at ng kanilang pamilya.
Magdudulot ito ng matinding paghihirap sa kanilang pamilya, hanggang sa mapilitang magtrabaho si Rosela. Pero sisikapin pa rin niyang ipagpatuloy ang pag-aaral at pagma-magic. Nangako siya sa kanyang ama bago ito mamatay, na balang araw ay maipagmamalaki siya nito sa larangan ng pagma-magic.
Pilit niyang tutuparin ang kanyang pangarap, ngunit tututulan ito ng kanyang inang si Josie (Assunta de Rossi) na naniniwalang sagabal lang ang magic sa kanyang tagumpay. Kailangang mamili ni Rosela kung ano ang tatahaking buhay para sa katuparan ng pangako sa kanyang ama – ang pagsunod sa kaniyang pangarap na maging isang mahikera o ang pagsuporta sa kanilang pamilya?
Kasama rin sa MMK episode na ito sina Louise Abuel, Laisa Comia, Nikki Gonzales, Sophia Reola, at Mutya Orquia. Ang episode na ito ay sa direksyon ni Joan Habana at sa panulat ni Raz dela Torre. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head na si Roda dela Cerna hosted by Charo Santos.
Panoorin ang ang longest-running drama anthology sa Asya, ang MMK, tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.