Halili nakaaway ang isang ‘high-ranking’ ex-general – Albayalde
SINABI ni Philippine National Police Chief Oscar Albayalde na isa sa mga tinitingnan anggulo ng PNP sa pagpatay kay Tanauan City Mayor Antonio Halili ay ang naging away ng biktima sa isang “high-ranking former general.”
“Meron din siyang nakaaway na former general, high-ranking….Hindi ko lang sure kung ano talaga ang naging puno’t dulo ng away nila,” sabi ni Albayalde.
Tumanggi namang magbigay pa si Albayalde ng detalye kaugnay ng isyu, sa pagsasabing bahagi ito ng imbestigasyon.
Nauna nang lumutang na posibleng militar o pulis ang nasa likod ng pagpatay kay Halili.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.