TWITTER party na naman ang fans ni Maine Mendoza kaugnay ng kanyang 3rd anniversary sa showbiz kahapon.
Ang laki kasi ng ipinagbago ni Meng simula nang madiskubre siya ng Eat Bulaga bilang si Yaya Dub. ‘Yung dating mahiyain ay palaban na sa kanyang mga ginagawa at patuloy pa ring sumusubok ng iba’t ibang larangan para sa growth ng kanyang career.
Sumang-ayon man o hindi ang karamihan, walang dudang nakagawa ng history si Maine sa showbiz mula nang madiskubre ng Eat Bulaga. Ang bilis ng pagkinang ng kanyang bituin at naniniwala kaming marami pa siyang kayang ipakita dahil bata pa siya.
Eh, kung awards ang pag-uusapan, meron na siyang acting awards at ang dami pang naging kasunod na recognitions na never pang nakamit ng mga baguhang arista ngayon.
Hindi man siya pinalad makuha bilang housemate sa reality show na Pinoy Big Brother, naging blessing in disguise naman ito para isilang ang bagong Phenomenal Star ng showbiz, huh!
Kaya sa lahat ng mga fans ng Dubsmash Queen abang lang sa marami pang pasabog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.