Female singer sumasablay na nga sa pagkanta, nag-iinarte pa | Bandera

Female singer sumasablay na nga sa pagkanta, nag-iinarte pa

Cristy Fermin |July 05,2018
facebook
share this

Female singer sumasablay na nga sa pagkanta, nag-iinarte pa

Cristy Fermin - July 05, 2018 - 12:15 AM

HINDI pala masyadong feel ng mga nagpapatakbo ng isang variety show ang isang female performer. Hindi siya masyadong popular, pero may ginawa siyang isang proyektong nagpakinang sa kanyang pangalan, ‘yun lang ang dahilan kung bakit siya nandiyan sa gitna ng aksiyon.

Masyado kasing maarte ang babaeng personalidad, astang-sikat siya, kaya kapag nagka-casting na ang produksiyon para sa mga bibigyan ng production number sa kanilang show ay palagi siyang natatanggal sa listahan.

Kuwento ng aming source, “Boldyak siya palagi sa pilian. Napapasama lang siya sa prod number kapag hindi available ang mga kinukuhang performers, du’n lang pumapasok ang name niya.

“Kapag walang-wala na, saka lang siya napapasama, pero kung meron lang makukuhang iba, siguradong waley na naman siya dahil sa sobra niyang kaartehan at pagpi-prima donna.

“E, ang liit-liit lang naman ng mundo ng mga talent coordinators. Nagkakaalaman sila, nagkakakuwentuhan, kaya kumakalat ang kaangasan niya.

“Ang unang kaartehan niya, e, ang pagtatanong kung sinu-sino ang makakasama niya sa production number. Dapat pa ba naman niyang busisiin kung sinu-sino, buti nga at napasama pa siya!

“Kailangang sabihin sa kanya kung sinu-sino ang makakasabay niyang kumanta, para bang kung meron siyang ayaw makasama, e, may karapatan naman siyang magpatanggal ng performer!” chika ng aming impormante.

Kumustahin naman natin ang boses ng female performer, kaya ba naman niyang makipagsabayan, lumulutang ba naman ang boses niya mula sa mga kasabayan niya?

“Naku, ‘no! Pasalamat siya at buhay pa rin ang singing career niya kahit pa kung minsan, e, sumasali-saliwa na ang voice niya? Pasalamat siya at nandiyan ang dyunakis niya na nasasandalan niya, dahil kung wala, waley na waley na rin ang career niya!

“Ganu’ng nabubuhay na nga lang siya sa anino ng daughter niya, e, nag-iinarte pa siya! Palagi pa niyang pinag-iinitan ang anak niya, ipinapahiya niya sa maraming tao, nakakaloka siya!

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, alam ko kung saan n’yo gustong pabalikin ang female personality na ‘yan, sa Saigon!” pagtatapos na chika ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending